Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 73 NG 88

IKA-LIMANG LINGGO: PAGKATAKOT SA DIYOS

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin at pagnilayan ang Mga Awit 19:9, Mga Awit 111:10, Kawikaan 1:7, Kawikaan 14:26-27, Kawikaan 15:16. Anong natututunan mo tungkol sa pagkatakot sa Diyos?

MAGNILAY
Huminto at mag-isip. Itanong mo sa iyong sarili, namumuhay ba ako sa katotohanan? Ako ba ay lumalakad sa katotohanan? Ang katotohanan ba ang Panginoon ko, o ito ba ay isang damdamin lamang? Paniniwalaan ko ba ang aking nararamdaman, mananangan ba ako sa sarili kong kaalaman, o maniniwala ba ako sa Diyos at sa Kanyang salita? "Pumili kayo ngayon kung sino ang inyong paglilingkuran" (Josue 24:15). "Ganito kayo mananalangin: "Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang Iyong pangalan. Nawa'y maghari Ka sa amin. Sundin nawa ang Iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit" (Mateo 6:9-10).

Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng higit na kaunawaan sa mga susunod na linggo. Ano ang nais Niyang gawin mo sa mga napag-aralan mo? Ano ang kailangang mabago sa paraan ng iyong pag-iisip, pagkilos, pagtugon, o paggawa ng talaan para sa iyong buong linggo? Mayroon bang Salita ang Diyos na nais Niyang isapuso mo? Paano mo itong maisasakatuparan? Dalhin mong lahat ito sa Panginoon sa iyong panalangin.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Bigkasin ang Mga Taga-Galacia 2:20 mula sa iyong pagkakatanda.

Mga Taga-Galacia 2:20
Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako ay nabubuhay pa sa katawang-lupa, Mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng Kanyang buhay para sa akin.
Araw 72Araw 74

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/