Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 32 NG 88

Ikatlong Linggo: O Panginoon, Ako ay Mahina

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 5:4 at ang Filipos 2:5-8.

Hilingin mo sa Panginoon na siyasatin ang iyong puso. Ano ang mga kasalanang kailangan mong ilagay sa Kanyang harapan? Ano ang nakikita mo sa iyong pagiging tao na pumipigil sa iyo upang makalakad sa Espiritu ng kapakumbabaan?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Muni-muniin kung ano ang kahulugan ng tunay na pagdadalamhati para sa iyong kasalanan. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng kakayahang makita ang iyong kasalanan kung paanong nakikita Niya ito. Basahin ang Pahayag 2-3. Kung wala kang panahon ngayon, baka maaari mo itong balikan mamaya. Mahalagang hilingin mo sa Panginoon na siyasatin ang iyong puso.

Kapag ang ating mga puso ay kumakapit sa mga bagay imbis na sa Panginoon, lalo tayong nangangamba. Habang nagbabasa ka, hilingin mo sa Diyos na siyasatin ang iyong puso at ipahayag sa iyo kung saan maaaring nawala ang pag-ibig mo noong una kang sumampalataya, kung saan iniibig mo ang mga bagay sa mundo, kung saan mayroon kang kawalan ng pananampalataya, o kung saan may pinanghahawakan kang maling katuruan. Hilingin mo ang Kanyang habag upang tulungan kang umayon sa Kanya, ipagtapat at talikuran ang iyong mga kasalanan. Tumawag sa Kanya sa panalangin, dahil alam mong naririnig Niya ang iyong panawagan.

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang pinagtutuunang mga bersikulo para sa araw na ito. Itago ang mga ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Mateo 5:3-5
Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
Araw 31Araw 33

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/