Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Walang Takot: Anim na Linggong Paglalakbay Halimbawa

Fearless: A Six-Week Journey

ARAW 34 NG 88

Ikatlong Linggo: O Panginoon, Ako ay Mahina

ANG TUBIG NG KANYANG SALITA
Basahin ang Mateo 5:5; 2 Mga Taga-Corinto 12:10; at Mga Taga- Galacia 4:9.

Ano ang mga walang kabuluhang bagay ng mundo na humihila sa iyo? Ano ang mabubuting bagay na pumapalit sa mga pinakamabubuting bagay?

LUMAKAD SA KATOTOHANAN
Ano ang kinatatakutan mong mawawala sa iyo sa mundo upang makamit ang mga bagay na pang-walang-hanggan? Anong kinatatakutan mong ipagsapalaran upang lubos kang makasunod kay Jesus? May mga tradisyon ba ang iyong pamilya o ang iyong iglesia na pinaniniwalaan mong inuutos ng Diyos na iwanan mo?

ITUON MO ANG MGA MATA NG IYONG PUSO
Tahimik na bigkasin sa sarili mo ang mga pinagtutuunang bersikulo para sa araw na ito. Itago ang mga ito sa iyong puso, pagnilayan, at gawing panalangin sa buong araw.

Mateo 5:3-5
Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
Araw 33Araw 35

Tungkol sa Gabay na ito

Fearless: A Six-Week Journey

Matutunan kung paano malampasan ang takot na nangingibabaw sa iyo at nagpapahina sa iyong pananampalataya at magsaya sa bagong pamumuhay nang may kalayaan, katapangan, at kahusayan sa buhay mo at sa iyong patotoo. Tamang-tama para sa mga abalang ina, dalaga, at estudyante sa kolehiyo. Isang debosyonal mula sa Thistleband Ministries.

More

Nais naming pasalamatan ang Thistlebend Ministries at ang manunulat na si Laurie Aker sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.thistlebend.org/lookingahead/