Paglalakad Na Kasama Ni Hesus (Pananampalataya)Halimbawa
Ang Maliit na Hakbang ng Pananampalataya
Ang pananampalataya ay isang paglalakbay. Ang pananampalataya ay hindi kaagad nagiging malaki at malakas. Upang magkaroon ng pananampalataya, kailangan ng isang tao ang lakas ng loob na gawin ang mga unang maliliit na hakbang. Kadalasan, ang mga maliliit na hakbang na ito ang napakahirap kaya't maraming tao ang nabibigo dahil sa huli ay wala silang ginagawang anumang hakbang.
Sinasabi sa Marcos 3:1-6 ang pagpapagaling ng isang lalaking may tuyot na kamay. Ang insidente ay radikal na nagbago sa buong buhay ng lalaki. Ngunit saan nagmula ang pagbabagong iyon? Ang sagot ay mula sa isang maliit na hakbang na ginawa ng taong iyon nang sabihin sa kanya ni Hesus, "Iunat mo ang iyong kamay." At iniunat niya ito, at ang kanyang kamay ay gumaling na buo gaya ng isa”(talata 5).
Maraming tao ang gustong maniwala kay Hesus sa pamamagitan ng pagka-alam ng lahat nang maaga. Hindi natin masusunod si Hesus sa ganitong uri ng pag-iisip; pagsunod kay Hesus kung alam natin ang lahat. Ito ang diwa ng pananampalataya. Sino sa atin ang nakakaalam tungkol sa sali-salimuot ng kuryente? Marahil karamihan sa atin ay hindi alam. Pero ayaw nating manatili sa dilim, dahil lang sa wala pa tayong kaalaman sa kuryente. Dalawang bagay lang ang kailangan nating malaman: kailangan natin ng liwanag at ang kuryente ang makapagbibigay ng liwanag na iyon. Iyan ang dahilan kung bakit tayo gumagamit ng kuryente.
Hindi rin natin gaanong alam kung paano gumagana ang ating sistema ng pagnunaw. Hindi natin maintindihan kung paano nasisipsip ng dugo, buto, at iba pang mga tisyu ang pagkain.Gayunpaman, mayroon bang sinuman sa atin ang gustong pigilin ang ating gutom dahil lamang sa hindi natin alam kung paano matutunaw ang pagkain?
Ang unang hakbang ay maliit at simple. Gayunpaman, huwag isipin na ito ay walang halaga at madali. Hiniling ni Jesus sa lalaking may tuyot na kamay na iunat ang kanyang kamay. Baka madali lang para sa iyo! Gayunpaman, paano naman sa kanya? Kailangan niyang iunat ang kanyang baldadong kamay! Naniniwala siya na kayang gawin ni Hesus na posible ang imposible!
Ang pananampalataya ay hindi nagsisimula sa kaalaman kundi sa katapangan. Hindi tayo dapat matakot na gawin ang unang maliit na hakbang upang maniwala.
Pagninilay:
1. Paano lumalago ang iyong pananampalataya?
2. Alalahanin ang maliit na hakbang ng pananampalataya na iyong ginawa. Ano ang resulta?
Aplikasyon:
Madali para sa atin na gawin ang nais ng Diyos na gawin natin kapag tayo ay hinihimok ng pangangailangan. Sundin natin ang Kanyang kalooban at gawin ang nais ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang debosyonal na ito ay magpapasariwa at magbibigay sa atin ng bagong paghahayag tungkol sa tunay na pananampalataya kay Kristo. Sa pamamagitan ng seryeng debosyonal na "Paglalakad na Kasama ni Hesus," matututo tayong maging mga mananampalataya na lumalago araw-araw sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/