Paglalakad Na Kasama Ni Hesus (Pananampalataya)Halimbawa
ICTHUS
Sinabi ni Pablo na ang pagkakaisa ng mga Kristiyano sa gitna ng pag-uusig ay magiging tanda para sa mga kapwa mananampalataya at sa mga hindi naniniwala (Fil. 1:28). Sa mga panahon ng pag-uusig ng mga naunang Kristiyano, ang mga ito ay gumamit ng mga simbolo ng isda upang maging tanda ng bawat isa. Ang isda ay itinuturing na isang simbolo ni Kristo at ang Kanya pagtawag sa Kanyang mga tagasunod na maging mangingisda ng mga tao.
Ang bawat titik ng salitang Griego na FISH (ICTHUS) ay isang paniniwalang Kristiyano: "I" ay sa salitang Griego na Hesus; "C" para kay Kristo; "TH" para sa Diyos; "U" para sa Anak; at "S" para sa Tagapagligtas. Ang salitang ICTHUS ay mababasa bilang "HESU-KRISTO Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas."
Totoo na sa kabila ng pag-uusig, ang mga unang mananampalataya ay nanatiling matatag sa pagtatapat kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, ang Tagapagligtas. Ito ang katatagan ng pananampalataya na nagmumula sa Ebanghelyo. Ito ay isang pananampalataya na hindi maaaring talunin ng kaaway. Ito ang totoong pananampalataya.
Ang totoong pananampalataya ay hindi basta biglang dumarating o nangyayari. Upang maging matatag na harapin ang anumang bagay, ang ating buhay ay dapat na sumusunod sa Ebanghelyo ni Kristo. Ang ating buhay ay dapat na kapareho at umaayon sa ating mga sinasabi. Ang hindi pagkapare-pareho ay katunayan lamang na ang ating pananampalataya ay hindi tunay na pananampalataya at mabilis itong sumasadsad sa gitna paghihirap sa mga alon ng buhay - ang uri ng pananampalataya na hindi makakatiis sa mga pag-uusig.
Hinihingi sa atin ng malupit na mundong ito na magkaroon ng matibay na pananampalataya. Ang ating pagkilala na si Hesus ay Panginoon at Tagapagligtas ay kailangang magpatuloy sa pag-kukulay ng ating pag-uugali, pag-iisip, asal, at pang-araw-araw na kilos. Ito ang tanging paraan upang tayo ay makabuo ng isang pananampalataya na magiging matatag sa lahat ng sitwasyon
Pagninilay:
1. Kumusta ang ating pagtatapat kay Kristo?
2. Paano nakakaapekto sa atin ang ating pagtatapat kay Kristo sa ating pang-araw-araw na pag-uugali?
Aplikasyon:
Kulayan natin ang mga araw ng ating buhay sa pamamagitan ng Ebanghelyo ni Kristo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang debosyonal na ito ay magpapasariwa at magbibigay sa atin ng bagong paghahayag tungkol sa tunay na pananampalataya kay Kristo. Sa pamamagitan ng seryeng debosyonal na "Paglalakad na Kasama ni Hesus," matututo tayong maging mga mananampalataya na lumalago araw-araw sa pamamagitan ng salita ng Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/