Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Worship: A Study in Psalms

ARAW 26 NG 106

Ano ang sinasabi nito?

Yaong mga nagtitiwala sa Diyos ay may dahilan upang magalak dahil ang Kanyang Salita ay totoo, Siya ay tapat sa lahat ng Kanyang ginagawa, ang Kanyang mga layunin ay natutupad, at ang sangkalupaan ay puno ng Kanyang walang hanggang pag-ibig.

Ano ang ibig sabihin nito?

Palaging may dahilan upang purihin ang Panginoon, simula sa katotohanang Siya ay nagsalita, at ang mundo at lahat ng bagay dito ay nabuo. Gayundin, isaalang-alang na ang Lumikha ng Langit at Lupa ay nagpahayag ng Kanyang mga iniisip sa Kanyang nilikha sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa Biblia. Inihahayag ng Kasulatan ang matuwid, makatarungan, maawain, at tapat na kalikasan ng Diyos mula pa noong una. Ang mga layunin ng Panginoon para sa hinaharap ay kasing-tiyak ng kasaysayan; walang tao ang makakapigil sa Kanyang mga plano. Ang taong nagtitiwala sa Diyos at naglalagay ng lahat ng kanyang pag-asa sa nakasulat sa Kanyang Salita ay maaaring maging masaya, kahit na habang naghihintay na mangyari ang Kanyang mga plano.

Paano ako dapat tumugon?

Sinasabi na ang musika ay isang unibersal na wika; maaari nitong mabuksan ang ating mga damdamin at payagan ang personal na pagpapahayag. Ang mga panlasa sa musika ay magkakaiba, gayunpaman, kahit na sa loob ng simbahan. Maaaring masyado tayong mag-alala sa estilo ng mga kanta na napili na nakakalimutan na natin ang dahilan kung bakit ba tayo umaawit. Ang mga katangian, kilos, at layunin ng Diyos ang mga dahilan kung bakit kailangan nating magbigay ng papuri, ito man ay lumang himno o isang bagong likhang awit ng papuri. Bigyang-pansin ngayong Linggo ang mga salita sa bawat awit na iyong kinakanta - ang mga ito ay puno ng katotohanan mula sa Salita ng Diyos. Kung hindi ka pa sanay sa pag-awit sa publiko, tumuon sa mahinang pagbigkas ng mga salita sa Diyos bilang handog ng papuri. Paano tayo mananatiling tahimik kung mayroon tayong napakaraming dahilan para purihin Siya?

Banal na Kasulatan

Araw 25Araw 27

Tungkol sa Gabay na ito

Worship: A Study in Psalms

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Thomas Road Baptist Church para sa babasahing ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin: http://www.trbc.org