Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa
Anong sinasabi nito?
Ang mundo ay pag-aari ng Panginoon. Ang mga naghahanap lamang sa Kanya ang maaaring tumayo sa Kanyang banal na lugar upang tanggapin ang Kanyang pagpapala. Ang mga sinaunang tarangkahan at pintuan ay naghahanda sa pagpasok ng Hari ng kaluwalhatian.
Anong ibig sabihin nito?
Ang awit na ito ay inaawit noon sa templo sa tuwing unang araw ng linggo. Malamang na ginugunita nito ang pagbabalik ni David ng kaban ng Diyos sa Jerusalem mula sa mga Filisteo (2 Sam. 6:12–19). Ang pagiging propesiya ng salmo na ito ay tumutukoy din kay Cristo, na umakyat sa Langit bilang Hari ng kaluwalhatian. Sa Kanyang pagiging tao, si Jesus ay hindi kailanman nagkasala sa panlabas o panloob. Bilang walang kasalanan na Anak ng Diyos, Siya lamang ang maaaring tumayo sa banal na presensya ng Diyos Ama. Si Cristo rin ang Punong Pastol (1 Pedro 5:4), na muling papasok sa kaluwalhatian kasama ng lahat ng ginawang matuwid sa pamamagitan ng paglalagak ng pananampalataya sa Kanya para sa kaligtasan.
Paano ako dapat tumugon?
Ang mga mananampalataya sa buong panahon ay umawit ng mga awit tungkol sa mga kaluwalhatian ng Langit. Kahit gaano kaganda itong pagmasdan, walang makakapantay sa kahanga-hangang kababalaghan na mabubuhay tayo - pinatawad at matuwid - sa pisikal na presensya ng Panginoong Makapangyarihan. Ang tanging karapatan nating makapasok sa Langit ay batay sa katuwiran ni Jesu-Cristo, ang Hari ng kaluwalhatian. Maglaan ng ilang minuto ngayon sa isang panalangin ng papuri at pasasalamat. Purihin ang Panginoon para sa Kanyang mga pangalan at katangiang ipinahayag sa Awit 24. Pagkatapos ay pasalamatan Siya para sa iyong walang hanggang mga pagpapala sa pamamagitan ni Cristo (kapatawaran, katuwiran, kinabukasan sa Langit, atbp.).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.
More