Pagsamba: Isang Aralin sa Mga AwitHalimbawa

Ano ang sinasabi nito?
Nakipag-usap si David sa Diyos tungkol sa mga panganib na kinakaharap niya sa kamay ng kanyang mga kaaway at ipinarating ang kanyang pagnanais na umiwas sa masasamang gawain.
Ano ang ibig sabihin nito?
Gumawa si David ng dalawang pangunahing desisyon sa pagharap sa kanyang mga kaaway. Una, nagtiwala siya na mamamagitan ang Diyos at Siya ang bahala sa mga umaapi sa kanya. Ang pagbabalik-loob sa Diyos ay nagbigay-daan kay David na ilabas ang mga saloobin sa kanyang nararanasan at umasa sa pagkilos ng Diyos. Pangalawa, inalis ni David ang kanyang mga mata sa kanyang mga kalagayan at itinuon ito nang husto sa kanyang Diyos. Nais niyang tumugon sa tamang paraan at kinilala niya ang pangangailangan sa Diyos upang bigyan siya ng kakayahan na magawa iyon. Humingi siya ng tulong sa Diyos upang ingatan ang kanyang puso mula sa pagnanais na gumawa ng maling mga bagay o makipagsanib pwersa sa maling tao.
Paano ako dapat tumugon?
Napakadaling tumugon sa maling paraan kapag nahaharap sa masasamang tao. Ngunit ang Diyos ay hindi nagbabago; Mapagkakatiwalaan pa rin Siyang makikialam sa iyong buhay kapag minamaltrato ka ng mga tao. Paano ka tutugon kapag minamaltrato ka ng mga tao? Maghihiganti ka ba o babaling ka ba sa Diyos? Sasamahan mo ba sila sa pagrerebelde sa Kanyang Salita o mangangako na lubusang susunod kay Cristo? Kung mananatili kang nakatuon sa Diyos, magagawa mong tumugon tulad ng ginawa ni David. Hilingin sa Diyos ngayon na protektahan ang iyong pag-iisip at hangarin habang nakikipag-ugnayan ka sa mga taong dumarating sa iyong landas ngayon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Mga Awit ay isang koleksyon ng mga tula at awit na isinulat sa loob ng 1,000 taon. Habang ang Mga Awit ay naglalaman ng masasayang papuri at malulungkot na panaghoy, ang buong aklat ay nagpapatotoo sa tapat na pag-ibig ng Diyos sa Kanyang bayan sa bawat pagkakataon. Bilang sentro ng pagsamba sa Lumang Tipan, inaasahan ng bawat awit ang kasukdulan ng papuri sa Diyos sa pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.
More