Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2Halimbawa

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2

ARAW 4 NG 7

Materyalismo

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa anumang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Dios, “Hinding-hindi ko kayo iiwan o pababayaan man.” [Hebrew 13:5)

Iyon dapat ang pagkakataon ng isang bagong buhay para sa isang ex-convict na si Abraham Shakespeare. Noong 2006, nanalo si Abraham ng $30 milyon dolyar sa Florida lottery. Hindi niya akalain na mababago siya ng pera. Gayunpaman, makalipas ang tatlong taon, natagpuan ang kanyang bangkay sa likod-bahay ng bahay ng isang kaibigan. Habang ang kaibigan ay hindi kinasuhan ng pagpatay kay Abraham, siya ay kinasuhan bilang kasangkot sa pagpatay.

Alam ng mga tao kung paano ginugol ni Abraham ang kanyang buhay. Ayon sa balita, dinala siya sa juvenile delinquency court noong siya’y teenager, inaresto dahil sa pananakit, nagkaroon ng mga anak sa iba't ibang babae, palaging nahuhuli sa pagbabayad ng sustento sa kanyang anak, at nakulong. Sinikap ng mga pulis na maghanap ng impormasyon tungkol sa kung paano niya ginugol ang huling tatlong taon. Namigay siya ng mga limpak na pera, kung minsan ay malalaking halaga - sa pagitan ng $250,000 hanggang $1,000,000. Nakilala niya ang isang babae na nagsabing gusto niyang magsulat ng isang libro tungkol sa kanyang buhay. Pagkatapos ay nasangkot sila sa ilang mga usapin sa pananalapi. Nabili ng babae ang mansyon ni Abraham. Sa kalaunan ay inilibing si Abraham sa kanyang likod-bahay

Ngayon sapat na ang alam natin para isipin ang katotohanan na hindi nabibili ng pera ang kaligayahan. Ang pera, kung hindi pangangasiwaang mabuti, ay maaaring magdulot ng malaking problema.

Pagninilay: Ang Bibliya ay nagbigay ng malinaw na mga tagubilin tungkol sa kung paano ang masamang pamamahala ng pera ay hindi lamang mag-aakay sa mga tao palayo sa Panginoon kundi maging sanhi ng kanilang pagkapahamak. Ang tunay na kaligayahan ay hindi nagmumula sa pagkakaroon ng mga ari-arian kundi pagkakaroon ng Kristo sa ating puso at ginagawa Siyang panginoon ng ating mga ari-arian at pera.

Mabibili ng pera ang kaligayahan kapag ginamit mo ito para makatulong sa iba.

(Rick Warren)

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2

Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/