Hanapin Ang Kaligayahan Kay Cristo – Serye 2Halimbawa
Ang kagalakan ng maliit na isla ng Cranberry
Makinig ka! Ako ang lumikha ng mga panday na nagpapaningas ng apoy at gumagawa ng mga sandata. Ako rin ang lumikha ng mga sundalo na gumagamit ng mga mandating ito para manglipol. (Isaias 54:16a)
Alam ni Joy Sprague kung paano gawing mas maganda ang mga araw ng kanyang mga customer. Bilang isang dating babaeng pangulo ng post office, mayroon siyang mga customer na nag-aagawan upang maisabit ang kanilang mga larawan sa dingding ng post office. Ang bawat ika-25 na customer na gumamit ng mga serbisyo ng express mail ay kukunan ng litrato. Ang larawan ay ipapaskil sa dingding ng post office. Bukod sa pagkuha ng litrato, makakatanggap din sila ng isang plato ng homemade cream cake ni Joy!
Hindi lang iyon ang ginawa ni Joy para gawing friendly ang lugar ng Cranberry. Nag-operate din siya ng isang postage business para sa mga mail order na naging popular dahilan na ang kanyang maliit na post office ay nakabilang sa ika-4 na may pinakamataas na benta sa lahat ng 450 post office sa Maine. Bakit? Karamihan sa mga customer ni Joy ay mga bisita sa panahon ng tag-araw na laging nagnanais na makakuha ng pinakabagong balita tungkol sa isla. Sa bawat order na kanilang natatanggap, padadalhan sila ni Joy ng larawan ng tanawin ng Cranberry Island at isang sulat-kamay na tala na nagsasabi sa kanila kung ano ang nangyayari sa isla.
Isang residente ang nagkomento, "Ginagawa ni Joy ang lahat ng paraan upang makapaghatid ng kagalakan sa iba." Nakatanggap si Joy ng papuri mula sa Pinuno ng USA Post Office. Siya ay minamahal hindi lamang ng mga lokal kundi pati na rin ng mga kaibigan niya sa buong America na gustong sumulat sa kanya.
Bakit hindi mo hilingin sa Diyos na bigyan ka ng mga malikhaing ideya na magdudulot ng kagalakan sa buhay ng isang tao ngayon?
Pagninilay: Binibigyan ng Diyos ang lahat ng malikhaing pag-iisip ayon sa kakayahan ng bawat tao. Kailangan nating lumabas sa ating comfort zone para matanggap ito. Gawin natin ang pagkamalikhain sa mga simpleng bagay gamit ang mga bagay sa ating paligid dahil ang pagkamalikhain ay maghahatid ng saya hindi lamang sa ating sarili kundi maging sa iba.
Mas marami ang nais mong ibahagi, mas mae-enjoy mo kung anong meron ka.
(Mark Batterson)
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Bilang tao nais nating ang ating buhay-paglalakbay ay laging hahantong sa kaligayahan. Gayunpaman, anong uri ng konsepto ng kaligayahan ang kailangan nating matuklasan? Ang konsepto ng kaligayahan sa Salita ng Diyos ay iba sa itinuturo ng mundo. Ano ba ang tunay na kaligayahan na itinuturo ng Bibliya? Ang serye ng mga debosyonal na ito tungkol sa kaligayahan ay tutulong sa atin na makahanap ng tunay na kaligayahan kay Kristo.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/