Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Sa Bagong TaonHalimbawa

Living Changed: In the New Year

ARAW 3 NG 4

Bagong Taon, Mga Bagong Tatak

Bawat taon, pinupuno tayo ng mga bagong uso sa mabilis na pag-aayos at mga payo upang maging isang "bagong ikaw" sa Bagong Taon. Nakakapagod nang subukan na baguhin ang ating sarili tuwing Enero upang makasunod sa kung sino ang iniisip ng mundo na dapat maging tayo. Ang ating pagsisikap at pakikibaka ay bihirang magbunga ng pagtanggap o katuparan. Sa halip, ang mga tao ay nagbibigay ng mga bagong tatak sa atin na lalo lamang lumilikha ng kalituhan sa ating pagkakakilanlan.

 Walang sinuman ang nagnanais na mabigyan ng tatak. Ito'y dahil ang mga tatak ay kadalasang labis na nanglalahat, nagbibigay ng limitasyon, at hindi tumpak. Ang mga ito ay may mga pag-aakala, na maaaring maging negatibo, at madalas na itinatampok ang ating pinakamasasamang katangian o pinakamalalaking pagkakamali. Ang mga tatak ay hindi nag-iiwan ng puwang para sa mga pagkakaiba, pagpapalago, o pagtutubos.

Lahat tayo ay may mga tatak, tayo man ay umaayon sa mga tatak na inilagay sa atin ng iba o tayo mismo ang naglalagay nito. Madalas, pinapayagan natin ang mga tatak na ito na limitahan tayo at sabihin sa atin na hindi tayo sapat. Lamang. Idinadagdag natin ang maliit, ngunit makabuluhang salita na ito kapag inilalarawan natin ang ating sarili at pinapayagan ang mga tatak na tayo ay maging hindi karapat-dapat. Malamang na narinig mo na ito sa napakaraming tao, marahil ay sinabi mo na rin ito sa iyong sarili. "Ako ay isang estudyante lamang sa hayskul" o "Ako ay isang adik lamang."  

Ang katotohanan ay, hindi ikaw ang iyong edad, ang iyong katayuan sa trabaho, ang pagsusuring ibinigay sa iyo, ang iyong katayuan sa pag-aasawa, ang iyong pakikibaka, o ang iyong nakaraan. Ang mga tatak na iyon ay maaaring naglalarawan sa iyong kalagayan, sa iyong panahon, o sa iyong pagsubok, ngunit ang iyong tunay na pagkakakilanlan ay nasa kung sino ka ayon sa sinasabi ng Diyos at wala nang iba pa.

Ikaw ay maganda, may kakayahan, at karapat-dapat. Ikaw ay ginawang bago kay Cristo. Hindi ka binigyan ng espiritu ng takot, kundi ng pag-ibig, kapangyarihan, at katinuan. Ikaw ay higit pa sa isang mapagtagumpay kay Cristo na nagbibigay sa iyo ng lakas. Ikaw ay sadyang nilikha para sa isang layunin. Ikaw ay minamahal. Ikaw ay pinili. Sapat ka na.

Isipin ang mga tatak na iyong tinanggap sa nakalipas na taon at sa buong buhay mo. Gaano karami ang inaangkin mo na salungat sa sinasabi ng Diyos tungkol sa iyo sa Biblia? Kilalanin ang mga bahagi ng iyong buhay na nagpaparamdam sa iyo ng kahihiyan, kawalan ng katiyakan, o takot na baka malaman ng iba. Humingi sa Diyos na ipakita sa iyo kung anong mga tatak ang nagpapahirap sa iyo at humingi sa Kanya na tulungan kang alisin ang mga ito. Hayaan ang Diyos na tulungan kang iayon ang iyong pagkakakilanlan sa katotohanan ng Biblia upang mabuhay ka sa taong ito, una at pinakamahalaga, bilang isang anak ng Diyos.

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: In the New Year

Sa bawat Bagong Taon ay may bagong pagkakataon para sa isang bagong simula. Huwag hayaang ito ay isa pa muling taon na magsisimula sa mga resolusyon na hindi mo tutuparin. Ang 4-araw na gabay na ito ay tutulong sa iyo sa pagninilay-nilay at magbibigay sa iyo ng bagong pananaw upang gawin mo itong iyong pinakamahusay na taon.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com