Nabagong Pamumuhay: Sa Bagong TaonHalimbawa
Isang Taong Pamumuhay na may Pagsuko
Ang pasimula ng taon ang perpektong panahon upang sandaling huminto at mag-isip - hindi lamang upang mapagtanto ang lahat ng mga kadahilanan na mayroon tayo para magpasalamat, kundi pati na rin upang gumaling at lumago sa darating na taon.
Habang pinag-iisipan ito, maaaring maalala natin ang nasaktang damdamin. Sa halip na itago ang gayong damdamin o hayaang lumikha ng kapaitan, maaari nating piliin ang kalayaang magpatawad. At ang unang hakbang tungo sa kapatawaran ay ang pagsuko.
Ang salitang "pagsuko" ay isa sa mga salitang maaring hindi komportable sa mga tao, lalo na pagdating sa pagpapatawad. Itinutumbas natin ito sa pagkatalo sa isang labanan - pang pagwawagayway ng puting bandila at pagbibigay-daan sa kaaway na makaabot sa atin. Subalit kapag tayo'y sumuko sa Diyos, maaari nating tingnan ito sa ibang paraan.
Sa Diyos, ang pagsuko ay nangangahulugan ng pagiging bukas sa ating buhay - maging ang ating pinsala at sakit upang ang Diyos ay makapagpagaling sa atin mula rito. Siya ay puno ng pag-ibig, awa, at habag sa bawat isa sa atin. Hindi natin kailangang matakot na ibigay ang ating kirot sa Diyos sapagkat maaari tayong magtiwala sa Kanya na maging mahinahon, at hawakan ang ating mga puso nang may pag-iingat.
Maaari rin tayong magtiwala sa Diyos na maging patas. Natural para sa atin na gusto nating makita ang isang tao na nagbabayad para sa mga kahihinatnan ng kanilang mga pagkilos. Kahit na ang Diyos ay may makatuwirang galit sa kasalanan at kawalang-katarungan. Subalit dapat nating tanggapin na ang Diyos lamang ang maaaring humusga sa puso ng isang tao. Hindi natin mapipilit kung ang isang tao ay tatanggap ng parusa o biyaya, at ang pagpigil sa ating pangangailangan para sa paghihiganti ay mag-iiwan lamang sa atin ng kapaitan.
Kung nais nating mabuhay nang mapayapa sa taong ito, kailangan nating ibigay ang ating galit at pagmamataas sa Diyos at ituon ang pansin sa ating sariling mga puso. Dapat nating piliin nang may kamalayan na ilagay ang ating kirot at pagnanais na kontrolin ang mga bagay sa Kanyang mga paa at hilingin sa Diyos na gumawa ng isang gawain sa atin. Dapat nating kilalanin na kailangan natin ang Kaniyang tulong.
Bilang mga tagasunod ni Cristo, ang pagpapatawad ay isang bagay na ginagawa natin araw-araw - kahit na hindi natin ito gustong gawin. Minsan kapag nagtatrabaho tayo sa pamamagitan ng kapatawaran, kailangan nating isuko ang parehong sakit sa Diyos nang maraming beses. Kapag ang dating damdamin ay muling napukaw, paulit-ulit tayong magpapatawad hanggang sa hindi na ito makapipinsala sa atin. Sa biyaya ng Diyos, ang lahat ng bagay ay mapapatawad.
Ngayon, ang pagpapatawad ay hindi nangangahulugang ayos na ang nangyari. Hindi ito nangangahulugan na hahayaan natin ang mga tao na patuloy na saktan tayo. At hindi ito nangangahulugang makikipag-usap tayo nang harapan. Hindi na kailangang buhay pa ang taong iyon para mapatawad natin siya dahil hindi ito tungkol sa kanya. Ito ay isang pagkilala sa isang sandali na nasa pagitan lamang natin at ng Diyos. Ito ay tungkol sa pag-aanyaya sa Kanya upang Siya ay makapagpagaling sa ating mga puso.
Huwag dalhin ang mga pagkakasala at mga sugat mula noong nakaraang taon sa susunod na taon. Kung may kailangan kang patawarin, magdasal ka sandali at isuko ito sa Diyos. Sabihin mo sa Kanya na kailangan mo ang Kanyang tulong at pinagkakatiwalaan Mo Siya sa mga resulta.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa bawat Bagong Taon ay may bagong pagkakataon para sa isang bagong simula. Huwag hayaang ito ay isa pa muling taon na magsisimula sa mga resolusyon na hindi mo tutuparin. Ang 4-araw na gabay na ito ay tutulong sa iyo sa pagninilay-nilay at magbibigay sa iyo ng bagong pananaw upang gawin mo itong iyong pinakamahusay na taon.
More