Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Disiplina Sa EspirituwalHalimbawa

Disiplina Sa Espirituwal

ARAW 5 NG 6

Paghipo Kay Hesus

Marcos 5: 21-34


Kung saan man magpunta si Hesus, maraming tao ang sumusunod sa Kanya at nagsusumiksik malapit sa Kanya. Sa gitna ng karamihan ng tao, isang babae ang lumapit kay Hesus mula sa likuran at hinawakan ang kanyang kasuotan. (v. 27). Tinanong ni Hesus, "Sino ang humipo sa Akin?" (v. 30). Sumagot ang Kanyang mga alagad, “Sa dami po ng mga taong sumisiksik sa inyo, bakit pa kayo nagtatanong kung sino ang humipo sa inyo?”  (v. 31)

Tuwing Linggo sa loob ng daang siglo, milyon-milyong mga tao sa buong mundo (kasama na tayong lahat) ay nagsusumiksik sa paligid ni Hesus. Lahat tayo ay nagmula sa lahat ng mga lugar na dala ang lahat ng uri ng mga hangarin at motibasyon Ang mga may sakit ay umaasa na gumaling. Ang mga mahihirap ay may nais na pagyamanin. Ang mga may problema ay naghahangad na mapalaya. Ang tanong ay, ilan sa kanila ang may pagnanais na hawakan Siya at magkaroon ng isang personal na relasyon sa Kanya? Magiging iba ang ating buhay kung nais nating magkaroon ng isang relasyon sa Kanya.

Huwag sambahin si Hesus nang hindi Siya hinahawakan! Anyayahan Siya na maging ganap na naroroon sa ating buhay. Bigyan Siya ng isang lugar lalo na sa ating mga tahanan. Isama Siya sa lahat ng paggalaw at ritmo ng ating buhay. Mas naiintindihan niya tayo kaysa sa atin. Tayo ay maging mga tao na tunay na kahalintulad Niya sa pamamagitan ng tamang kaalaman tungkol sa Kanya.

Ang pigura ni Hesus ay talagang isang pigura na umaakit ng pansin ng mundo. Sa buong panahon, maraming tao ang lumalapit sa Kanya. Hangad ng mga dalubsa na ipaliwanag ang Kanyang mga aral. Ang mga eskultor at pintor ay ginagawan Siya ng iskultura o pagpipinta. Ipinaliwanag ng mga sikologo ang Kanyang kadakilaan. Maraming tao ang nagsusumiksik sa paligid Niya. Ngunit sa karamihan ng mga tao, wala ni isa ang nakakaantig sa Kanya. Si Hesus ay itinuturing lamang na isang inspirasyon at hindi isang Tagapagligtas, o isang taong nagdala ng kaligtasan.


Pagbubulay ngayon:

1. Ang ating buhay espirituwal ba ay tulad ng karamihan sa paligid ni Hesus?

2. Ano ang maaari nating gawin upang hipuin si Hesus?


Mga Dapat Gawin Ngayon:

Ang malapit na kaugnayan ay hindi maaaring mangyari agad. Magkaroon tayo ng isang masinsinang ugnayan sa Panginoong Hesus.


Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Disiplina Sa Espirituwal

Kung paano dapat na lumaki ang ating pisikal na katawan ganoon din nais ng Diyos na lumago tayo sa ating espirituwal na buhay. Ang Salita ng Diyos ang ating pagkain at nutrisyon upang maging malago sa espirituwal. Tiyakin at disiplinahin ang sarili na kumain ng sapat at tamang nutrisyon ng Salita ng Diyos araw-araw upang ikaw ay umangat at lumago sa pananampalataya sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/