Disiplina Sa EspirituwalHalimbawa
BATA VS MATANDA
1 Mga Taga-Corinto 13: 8 -13
Naaalala pa ba natin ang poster ng isang cute na batang lalaki na nakangiti na may nakasulat na mga salitang "WALANG PROBLEMA" sa ilalim? Oo, ang pagiging kabataan ay itinuturing na isang masayang panahon. Mayroong isang mahalagang pagkakaiba sa pagitan ng mga bata at matatanda kung ang tinutukoy ay mga problema.
Ang pagiging bata ay hindi nangangahulugang walang problema. Hinaharap nila ang mga problema sa pamamagitan ng pag-iyak. Bihirang hindi umiyak ang mga bata kapag nahuhulog, nasugatan man o hindi. Karaniwang iiyak din ang mga bata, kapag sila ay dinidisiplina sa pagiging masuwayin o malikot. Ang mga bata ay iiyak kapag may problema sa kaibigan sa lugar ng palaruan. Ang pag-iyak ay itinuturing na solusyon nila sa lahat ng problemang kanilang kinakaharap. Ito ang palatandaan ng kabataan na naranasan nating lahat.
Ang mga matatanda ay tiyak na may kaibahan ng pag-uugali. Hindi lahat ng mga problema ay maaaring idaan sa pag-iyak. Alam natin kung kailan dapat umiyak at kung kailan dapat harapin ng matatag ang problema at hanapan o bigyan ito ng solusyon.
Ang mga ito ay kahalintulad sa aplikasyon natin sa espirituwal na mga bagay. Ang mga bata sa espirituwal ay natural na mag-iisip, umasal at kumikilos tulad ng mga bata. Dahil sila ay mga bata pa, maraming mga bagay na ginagawa nilang sundin ang kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng pagiging iyakin, pagiging emosyonal, atbp. Ang isang pamilya ay maaring maharap sa maraming mga problema kapag ang asawang lalaki o babae ay isang bata pa. Mahaharap ang simbahan sa maraming mga kahirapan kapag marami sa mga miyembro nito ay bata pa, kahit na maraming taon na silang miyembro sa Iglesia. Samakatuwid, nais ng Diyos na tayo ay maging ganap o "matured," pareho sa pisikal at espiritwal. Ang pisikal na paglago ay awtomatikong nangyayari sa paglipas ng panahon. Gayunpaman, ang pag-"mature" ng pag-iisip at kabanalan ay nangangailangan ng pagsusumikap ng mga mananampalataya sa buong buhay nila.
Pagbubulay ngayon
1. Maging tapat tayo sa harapan ng Panginoon. Tayo ba ay "matured" na sa ating espirituwal na buhay o nananatili paring bata sa espirituwal? Ano ang batayan ng ating katapatan?
2. Gaano katagal bago natin makamit ang paglago na ninanais ng Panginoon para sa atin? Anong mga pagsisikap ang dapat nating gawin upang makamit ang mga ito?
Mga Dapat Gawin Ngayon:
Isipin ang isang pangyayari na naganap sa atin noong bata pa tayo. Ihambing ito sa mga bagay na dapat nating gawin bilang may sapat nang gulang. Ilista ang mga kalamangan at kahinaan para sa ating pag-uugali ng kabataan at ugali ng may sapat nang gulang sa problema.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kung paano dapat na lumaki ang ating pisikal na katawan ganoon din nais ng Diyos na lumago tayo sa ating espirituwal na buhay. Ang Salita ng Diyos ang ating pagkain at nutrisyon upang maging malago sa espirituwal. Tiyakin at disiplinahin ang sarili na kumain ng sapat at tamang nutrisyon ng Salita ng Diyos araw-araw upang ikaw ay umangat at lumago sa pananampalataya sa Diyos.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/