Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Kapag Ikaw ay Walang AsawaHalimbawa

Living Changed: When You’re Single

ARAW 5 NG 5

Kalayaan

Si Jesus ay naparito upang tayo ay mamuhay sa kalayaan. Hindi lamang kalayaan mula sa ating mga kasalanan, kundi kalayaan mula sa sakit ng ating nakaraan, pamumuhay na nananatili sa isang hinahawakang padron, o paghahabol sa mga bagay na nag-iiwan sa atin ng pagkaubos. Napakarami sa atin ang nabibigatan sa kabiguan, sakit, at mga inaasahang di-natutugunan, ngunit nais ng Diyos na mamuhay tayo ng ganap na buhay

Habang ako'y nagkakaedad, naniwala ako sa sinasabi ng mundo tungkol sa pangangailangan ng isang lalaki upang maging masaya. Desperado akong naghangad ng isang asawa. Nagnais ako ng isang panahon ng pagpapakasal na pang-habang buhay, masayang larawan ng pamilya, ang lahat ng ito! Ayokong maging 30 na mag-isa, at walang anak. Hindi ko ginustong maging mag-isa. Kaya nanalangin ako nang husto para sa isang asawang lalaki. 

Gayunpaman, agad kong napagtanto na mali lahat ang mga dahilan ko sa pagnanais ng asawa. Ang aking mga panalangin ay maliit at ganap na nag-uudyok sa sarili. Naubos ang panahon ko sa pagnanais ng isang asawa na dapat ay nagamit sa kung ano ang talagang magpupuno sa akin - ang makilala at mamuhay para sa Diyos. Alam ko na ngayon na ang pagkakaroon ng asawang lalaki ay hindi ang siyang magpapanatili sa akin. Kung at kapag dumating ang oras na iyon, ang pag-aasawa ay magiging parang pampaganda na lang sa keyk. Ito ay magiging isang dagdag na bagay sa kung ano ang talagang nagpapanatili sa akin-at iyon ay si Jesus. 

Sa aking mga taon na walang asawa, natutunan ko na kahit sa paghihintay, ang Diyos ay mabuti. Kahit na sa kabiguan, sakit, at kawalan ng katiyakan, Siya ay tapat. Ang aking buhay ngayon ay mukhang iba kaysa sa inaakala ko, ngunit ito ay mas mabuti kaysa sa pinangarap ko. Nabubuhay ako sa kalayaan ngayon dahil alam kong hindi ko kailangang pilitin ang aking sarili na umangkop sa isang hulmahan na hindi ko idinisenyo upang tularan. Ako ay ganap na sumuko, gumaling, at umaasa sa mga bagay na darating. Ako ay nangangarap pa rin na magkaroon ng pamilya, ngunit ako ay kontento na sa Panginoon.

Kung nararamdaman mo na may higit pa sa buhay kaysa sa kung ano ang pamumuhay mo ngayon, hinihikayat kita na higit na manalig sa Diyos. Ang pinakamainam ng Diyos para sa iyo ay hit pa kaysa sa pagbibigay sa iyo ng Kasama sa buhay. Sa Kanya, makakatagpo ka ng kagalingan mula sa iyong nakaraan, kaginhawahan at layunin sa paghihintay, at pag-asa sa anumang darating pa.

Ang pamumuhay nang lubos ay nangangahulugan ng pagkilala, pagmamahal, at pagsunod kay Jesus. Ang kagalakan ay nagmumula sa pagkakaroon ng malapit na ugnayan kay Jesus at paniniwalang naroon ka sa kung saan ka Niya nais sa puntong ito. Ang kapayapaan ay ang pagkaalam na habang hindi mo pa nakikita ang lahat ng mga hangarin ng iyong puso na natutupad, maaari mong pagkatiwalaan ang Diyos sa iyong ngayon at sa iyong hinaharap. Ang pamumuhay nang ganap para sa Kanya ay nangangahulugan ng pamumuhay sa kalayaan.

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: When You’re Single

Lahat tayo ay may mga inaasahan kung ano ang magiging takbo ng ating mga buhay. Marahil ay inasahan mong ikinasal ka na ngayon, sa halip ay nakadarama ka ng kalungkutan, pagkaligaw, o kawalan ng pag-asa. Ang totoo, hindi mo kailangang mag-asawa upang makahanap ng kagalakan at maisabuhay ang iyong tawag. Ang 5-araw na gabay na ito ay tutulong sa iyo na mamuhay nang may layunin ngayon at magbibigay sa iyo ng pag-asa para sa hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com