Nabagong Pamumuhay: Kapag Ikaw ay Walang AsawaHalimbawa
Pagkakakilanlan
Noong tayo ay maliliit pa, lahat tayo ay may mga inaasahan kung magiging sino tayo, kung ano ang magiging takbo ng ating mga buhay, at kung gaano katagal bago tayo makarating doon. Bilang mga dalaga at binata, sinasabi sa atin na “hanapin muna ang ating mga sarili bago tayo lumagay sa tahimik”, at “okey lamang kung magtagal man iyon ng kaunting sandali bago abutin.” Sa sobrang bilis, parang nauubos na ang oras natin. Nagiging kahiya-hiya na ang di pa rin pagkakaroon ng may-asawa at ipinararamdam sa atin ang ating kakulangan dahil sa ating estado sa buhay pang-relasyon.
Sa unang bahagi ng aking pagka-20, inasam ko na ang aking estado sa buhay ay magbabago mula sa pagiging dalaga patungo sa pagiging kasal na pagtapos ng dekada. Aking nadama na kahit papaano ay kabawasan sa aking pagiging babae, propesyonal, may edad, at kahit bilang isang Cristiano kapag pumasok ako sa aking pagka-30 na walang asawa. Pinagod ko ang aking sarili sa pagsusumikap na matugunan ang mga pabago-bagong inaasahan ng mundo.
Ang hindi ko napagtanto noong panahong iyon ay na pinahihintulutan ko ang kultura na idikta kung sino ako. Kung sinabi ng lipunan na mababa ako bilang isang babae kung walang lalaki, pinaniwalaan ko iyon. Nang sabihin ng lipunan na ang tunay na pagka-maygulang ay nagmumula sa pagkakaroon ng asawa at mga anak, naniwala ako doon. Nang hindi ko nahabol ang takdang panahon na isinaad ng lipunan upang maganap ang mga bagay na ito, nakaramdam ako ang kakulangan, kawalan ng halaga, kawalan ng pag-asa, at lubos na kahihiyan. Pakiramdam ko wala na akong maihahandog sa iba dahil ang katayuan ko ay walang asawa.
Pagkatapos nalaman ko kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa akin sa Kanyang Salita at pinili kong paniwalaan ito. Tinatawag Niya akong karapat-dapat, pinili, at lubos na minamahal bilang Kanyang anak. Ang paghakbang sa sinasabi ng Diyos kung sino ako ang nagpabago sa lahat. Ang buhay ko ay hindi na tungkol sa pagtugon sa mga itinakda ng iba. Ang aking buhay ay naging tungkol sa pagyakap sa sinasabi ng Diyos kung sino ako at pagtahak sa landas na Kanyang inilatag para sa akin. Ngayon, ang aking pagkakakilanlan ay nakasalalay sa Kanya na lumikha sa akin, hindi sa aking estado sa buhay. Bilang isang dalaga na nasa mga 30, alam kong may halaga ako dahil sinabi ito ng Diyos, at sapat na iyon.
Ang pagiging walang asawa ay isang tatak na itinakda ng mundo, ngunit hindi ito isang pahiwatig kung sino ka o ng iyong halaga. Sinasabi ng Salita ng Diyos na ikaw ay isang obra maestra, na ginawa ayon sa Kanyang imahe. Sinadya kang likhain para sa isang layunin. Hindi ka kulang kahit walang asawa, at makakagawa ka ng pangmatagalang epekto para sa kaharian ng Diyos anuman ang iyong estado sa buhay. Ikaw ay pinili. Ikaw ay mahalaga. Ikaw ay pinakamamahal ng Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Lahat tayo ay may mga inaasahan kung ano ang magiging takbo ng ating mga buhay. Marahil ay inasahan mong ikinasal ka na ngayon, sa halip ay nakadarama ka ng kalungkutan, pagkaligaw, o kawalan ng pag-asa. Ang totoo, hindi mo kailangang mag-asawa upang makahanap ng kagalakan at maisabuhay ang iyong tawag. Ang 5-araw na gabay na ito ay tutulong sa iyo na mamuhay nang may layunin ngayon at magbibigay sa iyo ng pag-asa para sa hinaharap.
More