Pagiging Ama (Part 2)Halimbawa
Ang Ama Na Tumayo Din Sa Oras Ng Hatol
Inilahad ni Dr. P. W. Philpott ang kwento tungkol sa isang ama na nakilala niya minsan. Ang isang matagumpay na negosyanteng Kristiyano mula sa Scotland ay may isang anak na lalaki: isang magaling na binata, may mahusay na edukasyon at respetado, ang naaresto dahil sa pandaraya.
Sa korte, ang binata ay tila walang pakialam at kalmado nang mapatunayang nagkasala. Tumagal ito hanggang sa hingin siyang tumayo at makinig sa desisyon ng hukom.
Pagkatapos ay tumingin siya sa mesa ng mga abogado at doon niya nakita na nakatayo din ang kanyang ama. Ang ulo at balikat ng matuwid na tao, na nakatayo nang tuwid, ay malungkot na nakayuko at buong kahihiyang nakatayo upang tanggapin ang parusa para sa kanyang anak na para bang ang parusa ay para sa kanyang sarili.
Tumingin ang anak sa ama at saka umiyak ng buong kapaitan.
Ang kailangan ng mga bata ay huwaran higit sa pangangailangan nila ng mga pagpuna.
(Joseph Joubert)
Kawikaan 3: 1
"Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin, lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim;."
Pagninilay:
Malalaman man natin ito o hindi, ang mga magulang ay may responsibilidad na turuan ang kanilang mga anak sa katotohanan at takot sa Diyos. Hindi maiiwan ng mga magulang ang pagtuturo ng kanilang mga anak sa iba, maging sa pastor o guro. Humingi tayo ng karunungan mula sa Banal na Espiritu upang magabayan natin ang ating mga anak sa mga pamamaraan ng Panginoon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa Bibliya, itinalaga ng Diyos ang mga ama upang gabayan ang kanilang mga anak na matakot sa Diyos at maging kapaki-pakinabang. Ang responsibilidad na ito ay hindi madali para sa mga ama. Ang pagbubulaybulay na ito ay makakatulong sa mga ama na laging alalahanin ang banal na pagkatawag mula sa Panginoon para sa kanilang mga anak.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg