Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagiging Ama (Part 2)Halimbawa

Pagiging Ama (Part 2)

ARAW 1 NG 3

Isang Araw Na Pangingisda Ng Isang Ama At Anak


Sa talaarawan ni Brooks Adams, mayroong isang naisulat tungkol sa isang napaka-espesyal na araw para sa kanya noong siya ay 8-taong gulang.

Isinulat niya, "Mangingisda kasama si Papa, ang pinakamasayang araw sa aking buhay."

Sa susunod na 40-taon, patuloy na tinutukoy ng Brooks ang mga kaganapan sa araw na iyon at kung paano ang araw na iyon ay may malalim na epekto sa kanyang buhay.

Ang ama ni Brooks ay si Charles Francis Adams, embahador ni Abraham Lincoln sa United Kingdom. Mayroon din siyang mga isinulat tungkol sa araw na iyon sa kanyang talaarawan. 

Sa libro, isinulat niya, "Mangingisda kasama ang aking anak, nasayang ang isang araw."



Ang pag-ibig ay nabaybay bilang O-R-A-S

(Anonymous)


Malakias 4: 6

"Muling magkakasundo ang mga ama at ang mga anak. Kung hindi'y mapipilitan akong magtungo riyan at ganap na wasakin ang inyong bayan.”


Pagninilay:

Gaano karaming oras ang ginugugol mo sa iyong mga anak? Alam mo bang para sa iyong mga anak, ang pagsama mo sa kanila ay isang regalo at hindi isang pagkalkula sa matematika?


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Pagiging Ama (Part 2)

Sa Bibliya, itinalaga ng Diyos ang mga ama upang gabayan ang kanilang mga anak na matakot sa Diyos at maging kapaki-pakinabang. Ang responsibilidad na ito ay hindi madali para sa mga ama. Ang pagbubulaybulay na ito ay makakatulong sa mga ama na laging alalahanin ang banal na pagkatawag mula sa Panginoon para sa kanilang mga anak.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg