Paglilinis ng KaluluwaHalimbawa
Ang ating buhay ay puno ng mga kultural na lason, na kung saan ang mga bagay na ito ay katanggap-tanggap, ngunit nakasasama sa ating kaluluwa. Ang mga kultural na lason o toxin ay maaaring matagpuan sa mga libro at mga magasin na ating binabasa, mula sa musika na ating pinakikinggan, at sa mga palabas sa telebisyon at mga pelikula na ating pinanonood. Kung hahayaan natin ang mga kultural na toxin na ito sa ating buhay, tayo ay marurungisan. Sa linggong ito, iyong matututunan kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa mga panganib na dulot ng mga kultural na lason at sa kahalagahan ng pagtutok sa mga bagay na magpapalapit sa atin sa Kanya.
Sa kasalukuyan, ano ang ilan sa iyong mga kultural na lason? Paano mo nakikita ang pagdungis ng mga ito sa iyong buhay?
Sa kasalukuyan, ano ang ilan sa iyong mga kultural na lason? Paano mo nakikita ang pagdungis ng mga ito sa iyong buhay?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tayo ay hindi mga katawan na may kaluluwa. Tayo ay mga kaluluwa na may katawan. Habang ang mundo ay tinuturuan tayo na linisin ang ating katawan, minsan kailangan din nating linisin ang ating kaluluwa. Ang 35-araw na planong ito ay tutulungan tayong kilalanin kung ano ang sumisira sa ating kaluluwa, at ano ang humahadlang sa atin upang maging taong nilikha ng Diyos. Matututunan natin mula sa mga Salita ng Diyos kung paano maaalis ang mga mapanirang impluwensya at yakapin ang malinis na pamumuhay para sa iyong kaluluwa.
More