Paglilinis ng KaluluwaHalimbawa
May apat na uri ng takot: takot na mawalan, takot na mabigo, takot na matanggihan at takot sa hindi alam. Maaring ikaw ay nakikipaglaban sa isa o higit pang uri ng takot. Ang mga takot na ito ay maaring pumigil sa iyo at ilayo ka sa kahusayan ng Diyos. Alalahanin kung ano ang sinasabi ng 2 Timoteo 1, na hindi tayo binigyan ng Diyos ng espirito ng takot kundi espirito ng kapangyarihan, pag-ibig at disiplina sa sarili.
Anong uri ng takot ang nagpapasakit sa iyo ngayon?
Anong uri ng takot ang nagpapasakit sa iyo ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Tayo ay hindi mga katawan na may kaluluwa. Tayo ay mga kaluluwa na may katawan. Habang ang mundo ay tinuturuan tayo na linisin ang ating katawan, minsan kailangan din nating linisin ang ating kaluluwa. Ang 35-araw na planong ito ay tutulungan tayong kilalanin kung ano ang sumisira sa ating kaluluwa, at ano ang humahadlang sa atin upang maging taong nilikha ng Diyos. Matututunan natin mula sa mga Salita ng Diyos kung paano maaalis ang mga mapanirang impluwensya at yakapin ang malinis na pamumuhay para sa iyong kaluluwa.
More