Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Magpanibago Pagkatapos ng Muling Pagkabuhay: Isang Gabay sa Pagpapahinga para sa Mga Pastor Mula sa YouVersionHalimbawa

Reset After Easter: A YouVersion Rest Plan for Pastors

ARAW 3 NG 3

Alalahanin.


Alalahanin kung kailan mo unang naramdaman na inilalapit ng Diyos ang puso mo sa Kanya. 

Alalahanin kung kailan ka sumuko sa Kanya. 

Ang ligaya ng kaligtasan. 

Kung gaano kasariwa sa pakiramdam 

Kung gaano ang pakiramdam ng kapatawaran, kalinisan —kung gaano itongkabago


At ngayon, alam mo na: 

Ang ganitong paanyaya ng Ama sa Langit ay palaging bukas para sa lahat. 

Palagi Niyang pinalalapit ang mga tao tungo sa Kanya. 

Palagi Siyang nalulugod na tanggapin ang isa pang anak sa Kanyang pamilya… 

Upang takpan ang kanilang kasalanan ng Kanyang balabal ng katuwiran. 

Upang ibigay sa kanila ang Kanyang ngalan—isang Ngalan na hindi sila kailanman man karapat-dapat. 

Upang mapabilang sila na tagapagmana ng Kanyang kaharian. 


Tayo ay mga ministro ng Kanyang magandang balita. 

Niluluwalhati natin Siya. 

Itinataas natin Siya ng paulit-ulit. 

Sapagkat ating naaalala. 

At kapag itinataas natin Siya, alam natin na ang mga tao ay darating. 

At ang Kanyang Espiritu ay mangungusap sa kanila. 

At marami sa kanila ay susuko—katulad ng ating ginawa. 

At tatanggapin natin sila bilang ating pamilya, hahandugan ng katulad na pagmamahal na ipinakita Niya sa atin. 


Luwalhatiin ang Diyos at Jesu-Cristo sa lahat ng henerasyon, magpakailan-kailanman! 

Amen. 

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Reset After Easter: A YouVersion Rest Plan for Pastors

Dahil ang mga dumadalo ay karaniwang dumadarami sa Linggo na ipinagdiriwang ng mga Cristiano ang Muling Pagkabuhay ni Jesus, ang katapusang linggong ito ang isa sa pinakamapagpala — at pinakamapanghamon — na panahon ng taon para sa mga namumuno sa iglesia. Ginawa namin ang audio na gabay na YouVersion Rest Plan upang tulungan ang mga manggagawa ng simbahan na ipagdiwang ang lahat ng ginawa ng Diyos, magpahinga mula sa gawain ng paghahanda at paggawa, at magpanibago para sa darating pang pagmiministeryo.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay nilikha at nagmula sa YouVersion.