Magpanibago Pagkatapos ng Muling Pagkabuhay: Isang Gabay sa Pagpapahinga para sa Mga Pastor Mula sa YouVersionHalimbawa
Pahinga.
Nagtrabaho ka nang mabuti upang maghanda para sa nakaraang linggo ng Pasko ng Pagkabuhay.
Malamang sa loob ng ilang linggo.
Maglaan ng ilang sandali upang isaalang-alang ang lakas na iyong ginugol …
… Ang mga planong iyong ginawa …
… Ang mga gawaing iyong natapos.
(Huminto ng ilang sandali kung kinakailangan.)
Maraming bagay ang marahil nangyari nang ayon sa inaasahan.
At, sana, napagpala ka sa mga ilang magagandang sorpresa na naganap.
Subalit, malamang na may ilang mga bagay na hindi natupad ayon sa plano.
Ngayon, isipin ang mga bagay na ito:
Walang anumang mga bagay na nangyari noong mga nakaraang linggo ang ikinagulat ng Diyos.
Alam mo na plano Niya nang tubusin ang lahat, sa paglipas ng panahon.
Alam mo na ang lahat ng dinaranas mo ay humuhubog sa iyong pagkatao sa hinaharap.
Alam mong mahal mo ang Diyos.
Alam mong tinawag ka ayon sa Kanyang layunin.
Kung kaya't alam mo rin na Siya ay gumagawa sa lahat ng iyong ikabubuti.
Kahit na sa mga panahong mahirap itong makita .
Marahil lalong-lalo na doon.
Ngayong araw na ito, huminga nang malalim.
Humimlay sa Kanyang mga pangako.
Magtungo sa kapahingahang inilaan Niya para sa iyo…
Ang kapahingahan na Siya mismong nagsilbing huwaran para sa iyo.
Tungkol sa Gabay na ito
Dahil ang mga dumadalo ay karaniwang dumadarami sa Linggo na ipinagdiriwang ng mga Cristiano ang Muling Pagkabuhay ni Jesus, ang katapusang linggong ito ang isa sa pinakamapagpala — at pinakamapanghamon — na panahon ng taon para sa mga namumuno sa iglesia. Ginawa namin ang audio na gabay na YouVersion Rest Plan upang tulungan ang mga manggagawa ng simbahan na ipagdiwang ang lahat ng ginawa ng Diyos, magpahinga mula sa gawain ng paghahanda at paggawa, at magpanibago para sa darating pang pagmiministeryo.
More