Ikaw ay MinamahalHalimbawa
Tinawag upang Magmahal at Mahalin ang Iba
Hayaang ang pag-ibig ay maging totoo. Kamuhian ang masama; panghawakan kung ano ang mabuti. (Mga Taga-Roma 12:9)
Ibinuod ni Jesus ang maraming mga kautusan sa Bagong Tipan sa dakilang utos na mahalin ang Diyos nang buong puso natin at ang pangalawang katulad nito ay mahalin ang ating kapwa katulad ng ating mga sarili (Mateo 22:37-40). Ang “kapwa” sa talatang ito ay hindi limitado sa mga nagbabahagi ng hangganan ng pag-aari sa iyo. Ang iyong kapwa ay kahit na sino na makikilala mo o maaaaring magkaroon ng epekto. Madaling mahalin ang ating sarili. Madaling huwag pansinin ang ating mga pagkakamali at tumuon sa kabutihang ginagawa natin. Mas mahirap magmahal ng iba.
Kung tunay nating nauunawaan ang pag-ibig ng Diyos at ang mabuting balita ng ebanghelyo, maglalayon tayo na ibahagi ang pag-ibig na iyon sa lahat ng maaari nating mahalin. Ang talata ngayon ay puno ng maraming mga utos na nagbibigay ng halimbawa kung paano natin maipapakita ang pagmamahal, pagpapatawad, at biyaya sa iba. Alin sa mga utos na ito ang maaaring ginagawang hamon sa iyo ng Diyos upang ilapat ang iyong pakikipag-ugnayan sa ibang tao ngayon?
Bago tayo magsimulang gumawa ng mga dahilan, huwag nating kalimutan na si Jesus ay humantong sa kamatayan, kahit sa kamatayan sa krus, upang mahalin tayo. Huwag kalimutan na tinatawag ng Diyos ang bawat Cristiano na maging isang haing buhay (Mga Taga-Roma 12:1)! Maaaring hindi madaling magmahal ng iba, ngunit ito ang eksaktong nais ng Diyos mula sa atin. Magsimula sa pamamagitan ng panalangin para sa iba, at palalambutin ng Diyos ang iyong galit, tutulungan kang mapagtagumpayan ang mga pangangatuwiran, at magbibigay ng bukas na mga pinto sa pagpapakita at pagbabahagi ng pag-ibig ni Cirsto.
Habang nananalangin ka, hilingin sa ating Diyos ng pag-ibig na tulungan ka na mahalin ang iba.
Inaasahan namin na ang gabay na ito ay makahihikayat sa iyo. Para sa karagdagang mga debosyonal mula sa mga manunulat na katulad ni Duane Loynes, tingnan ang ibang mga mapagkukunan sa Biblia mula sa Words of Hope .
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mahal ka ng Diyos. Kung sino ka man, nasaan ka man sa iyong buhay, mahal ka ng Diyos! Sa buwang ito, sa pagdiriwang natin ng pag-ibig, huwag kalimutan na ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay higit sa lahat ng iba pang pag-ibig. Sa apat na araw na seryeng ito, ibabad ang iyong sarili sa pag-ibig ng Diyos.
More