Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ikaw ay MinamahalHalimbawa

You Are Loved

ARAW 2 NG 4

Ang Matiyagang Pag-ibig ng Diyos

Kaya't akin siyang aakitin, at dadalhin siya sa ilang, at malambing ko siyang kakausapin. (Hosea 2:14)

Noong ako ay nasa ikalawang baitang, isang batang lalaki sa aking klase ang nagsabing pipigilan niya ang kanyang hininga hanggang sa sabihin ng babaeng nagugustuhan niya na gusto niya rin siya. Natatakot na pinagmamasdan habang namumula ang mukha nito, sinabi niya, “OK! Gusto kita!" Hindi na kailangang sabihin, ang "relasyon" na iyon ay hindi nagtagal.

Sa magandang talatang ito sa Hosea, mababasa natin na bagama't pinili ng bayan ng Diyos na sumunod sa ibang mga diyos, hindi sila binitawan ng Diyos. Ngunit sa halip na pilitin silang mahalin Siya, sinabi ng Diyos na aakitin Niya sila at magiliw na magsasalita sa kanila, na magbibigay sa kanila ng pag-asa kung saan wala. Sa pamamagitan nito, ipinahayag ng Diyos, balang-araw ay tatawagin nila Siyang “asawa ko” (v. 16). Ito ang pangako ni Cristo. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo, napunit ang kurtina sa pagitan natin at ng Diyos. Tayo ay lubusang pinatawad, ang ating mga dating kawalan ng mabuting pagpapasya ay nakalimutan. Pinalawak ng Diyos ang mga pintuan ng pag-asa, at nakikita natin na hindi Siya isang panginoon na humihingi ng ating pagmamahal, ngunit isang matiyagang Diyos na naghahanap ng reisang pakikipag-ugnayan sa atin. Relasyon na hindi ipinipilit sa atin, kundi ating ninanais dahil ipinakita Niya sa atin ang lalim ng Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng dugo ni Jesu-Cristo.

Ngayon, isaalang-alang ang matiyagang pag-ibig ng Diyos. Hindi Niya hihilingin na mahalin mo Siya, ngunit palagi Siyang tumatawag sa iyo, handang tanggapin ka sa Kanyang bukas na mga bisig. 

Habang nananalangin, pasalamatan ang ating tapat na Diyos sa Kanyang pag-ibig. Hilingin sa Kanya na tulungan kang mahalin ang iba tulad ng pagmamahal Niya sa iyo.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

You Are Loved

Mahal ka ng Diyos. Kung sino ka man, nasaan ka man sa iyong buhay, mahal ka ng Diyos! Sa buwang ito, sa pagdiriwang natin ng pag-ibig, huwag kalimutan na ang pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay higit sa lahat ng iba pang pag-ibig. Sa apat na araw na seryeng ito, ibabad ang iyong sarili sa pag-ibig ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Words of Hope sa pagpapaunlak ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.woh.org/youversion