Para sa atin: Pagdiriwang sa Pagdating ni JesusHalimbawa
Makapangyarihang Diyos
May mga pagkakataong, maaari tayong makaramdam ng panghihina at hindi makayanan ang mga sitwasyon na hinaharap natin. Ang mabuting balita ay mayroong Isa na mas malakas at higit na makapangyarihan kaysa sa anumang kinakaharap natin.
Sa Isaias 9:6, makikita natin na si Jesus ang Makapangyarihang Diyos. Tinutukoy ito ng wikang Hebreo sa ganitong paraan:
Makapangyarihan— gibbowr
Malakas, makapangyarihan; malakas na tao, matapang na tao, makapangyarihang tao
Diyos— ‘el
Ang nag-iisang tunay na Diyos; Si Jehova
Ang pinagsamang dalawang kahulugan na ito ay magbibigay sa atin nang eksakto kung ano ang sinasabi ng pangalan—Makapangyarihang Diyos. Si Jesu-Cristo ang iisang totoong Diyos, at taglay Niya ang lahat ng lakas, kapangyarihan, at kakayahan. Ang Kanyang lakas ay walang kapantay, walang katulad, at hindi mapantayan. Walang sinumang katulad Niya, at walang sinumang makapangyarihang tulad Niya. Hindi lamang na si Jesus ay may kapangyarihan ng Diyos, Siya ang Diyos ng pinakamataas na kapangyarihan!
Nang si Jesus ay lumakad sa mundo, ang Kanyang makapangyarihang kakayahan ay ipinakita sa pamamagitan ng paglupig sa mga sakit, kasalanan, demonyo, at kalikasan. Ngunit, nang madaig Niya ang kamatayan sa pamamagitan ng pagbalik mula sa mga patay ay nakita natin nang malinaw ang Kanyang kapangyarihan. Ang kakanyahan ng ating Makapangyarihang Diyos ay ang Kanyang kapangyarihan ay hindi lamang ipinapakita sa ating buhay kapag tayo ay mahina, kundi may kakayahan Siyang lumikha mula sa wala. Sa ating pagiging tao, gumagawa tayo ng maraming bagay mula sa iba`t ibang mga materyal na taglay natin. Ngunit ang totoong banal na lakas ni Jesus ang lumilikha.
Gayunpaman, sa pagpayag ni Cristo na ibigay ang Kanyang buhay at mamatay upang iligtas tayo, Siya ay naging wala. Ganoon na lang ang Kanyang lakas at kapangyarihan na kinaya Niyang ibigay ang Kanyang ganap at makapangyarihang lakas para sa lahat. Kahit na hindi Siya kilalanin ng mga tao bilang isang makapangyarihang Diyos, lahat sila ay yuyuko pa rin at luluhod sa Kanya at aaminin ang Kanyang pagiging panginoon balang araw, dahil “luluhod at magpupuri ang lahat at ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon” (Mga Taga-Filipos 2:10-11 RTPV05).
Ang hindi kapani-paniwala, hindi mailarawan, hindi maintindihang kapangyarihang taglay ni Cristo ay laging nakahanda para sa atin. Binibigyan Niya tayo ng lakas na magtiis sa lahat ng mga bagay (Mga Taga-Filipos 4:13). Ang Kanyang kapangyarihan ay ginawang perpekto kapag tayo ay mahina (2 Mga Taga-Corinto 12:9). Nagagawa Niya ang higit pa kaysa sa naiisip, naitatanong, o inaakala natin (Mga Taga-Efeso 3:20). Ang tanging kailangan nating gawin ay magtiwala sa Kanya at umasa sa Kanyang kapangyarihan upang makamit natin ang lakas na kailangan natin.
Ang ating Makapangyarihang Diyos ay hindi lamang nakagagawa, kundi Siya ay ganap na handa at handang gamitin ang ating buhay bilang isang pagtatanghal ng Kanyang makapangyarihang kakayahan. Walang sinuman at walang bagay na katulad Niya. Gumugol ng ilang oras ngayon sa pagpapahalaga sa kadakilaan ng ating Tagapagligtas at Makapangyarihang Diyos, si Jesu-Cristo. Walang pag-aalingang Siya ay karapat-dapat.
Tungkol sa Gabay na ito
Sa Isaias 9:6, nakita natin na si Jesus ay ang ating Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan. Sa 5-araw na Gabay na ito, ipagdiriwang natin ang pagdating ni Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kanyang iba't-ibang pangalan at kung paano natin ito magagamit sa ating buhay sa kasalukuyan.
More