Para sa atin: Pagdiriwang sa Pagdating ni JesusHalimbawa
Sapagkat sa Atin ay Ipinanganak ang isang Bata
Sa Biblia, ang mga propeta ay ang mga taong nakarinig sa Diyos at ibinigay ang mensahe sa mga tao. Si Isaias ay isa sa mga pangunahing propeta sa Lumang Tipan. Bilang isang pangunahing propeta, hindi nangangahulugan na ang kanyang mga gawa ay mas mahalaga—ito ay nangangahulugan lamang na ang isinulat ng propeta ay hindi husto sa isang balumbon, samantalang ang sulat ng mga menor na propeta ay huhusto dito.
Siya ay nagpropesiya sa Juda sa loob ng 80 taon, at ang kanyang aklat ay puno ng iba't-ibang mga propesiya. Dagdag pa sa mga propesiya ukol sa paghuhukom ng Diyos sa Kanyang bayan sapagkat sila ay tumalikod sa Kanya, ito rin ay patungkol sa pagtubos ng Diyos at pagliligtas sa pamamagitan ng Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Makikita natin nang malinaw ang larawan ni Jesus sa buong Lumang Tipan sa pamamagitan ng kanyang mga propesiya ( o mga babala) sa aklat na ito.
Sa Isaias 7, ngpropesiya siya tungkol sa kapanganakan ng isang bata na siyang kakatawan sa presensya ng Diyos. Ang bata ay tatawaging Emmanuel, na ang ibig sabihin ay“Sumasa atin Ang Diyos.” Pagkatapos ng dalawang kabanata, sa Isaias 9 ay makikita natin ang isa sa mga kamangha-manghang propesiya tungkol sa batang si Jesus, na siyang Mesiyas. Partikular sa talatang 6, ipinaliwanag kung magiging sino Siya:
Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin
Ibibigay sa kanya ang pamamahala;
at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo,
Makapangyarihang Diyos,
Walang hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.
Isaias 9:6 RTPV05
Ipinadala ni Isaias ang kapahayagan ng kapanganakan ni Cristo700 taon bago si Jesus ay naparito sa mundo. Di ba ito ay kamangha-mangha? Siya ay binigyan ng salita mula sa Diyos pitong siglo bago itong mangyari! Hindi lang iyon, ang batang ito ay magiging tagapamahala ng mundo, at mayroong mga pangalan na patungkol lamang sa Diyos—Kamangha-manghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.
Sa mga susunod na Gabay, matututunan pa natin ang mga pangalan na ibinigay kay Jesus sa Isaias 9. At makikita natin na sila ay higit pa sa pangalan—sila ay naglalarawan sa Kanyang katauhan! Si Jesu-Cristo, ang Mesiyas at Tagapagligtas ng mundo, ay tunay na Kamangha-manghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa Isaias 9:6, nakita natin na si Jesus ay ang ating Kamanghamanghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang hanggang Ama, at Prinsipe ng Kapayapaan. Sa 5-araw na Gabay na ito, ipagdiriwang natin ang pagdating ni Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kanyang iba't-ibang pangalan at kung paano natin ito magagamit sa ating buhay sa kasalukuyan.
More