Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Manatili Kay Jesus - 4-na-Araw na DebosyonalHalimbawa

Abide in Jesus - 4-Day Advent Devotional

ARAW 2 NG 4

Taun-taon ay mabilis na napupuno ang ating kalendaryo ng mga kailangang gawin sa panahong ito ng taon. Mga Christmas party kasama ang mga kaibigan, pagtitipon ng pamilya, mga obligasyon sa trabaho, mga programa sa simbahan - at huwag kalimutan ang lahat ng pagluluto at paglilinis at pamimili at dekorasyon na nangyayari. Palagi tayong nagmamadali, kaya napakahirap maging gising sa espirituwal na aspeto.

Ngayong Kapaskuhan - dapat tayong maging tulad ng mga baka.

Teka...baka?!?

Pag-isipan ito - ang mga baka ay ngumunguya buong araw. Ang mga baka ay nangangailangan ng mga sustansya upang mabuhay, kaya't sila ay matiyagang nagmumuni-muni sa pinagmumulan ng kanilang pagkain, sa halip na lumunok lang nang lumunok ng damo. Sa ganitong paraan din, sa halip na lunukin lang nang lunukin ang ating espirituwal na pagkain araw-araw, dapat nating dahan-dahanin at nguyaing mabuti, paulit-ulit na "nguyain" ang Salita ng Diyos sa buong araw. Ito ang tinatawag ng mga manunulat ng Biblia na pagninilay. Ang isa pang salita ay pagmumuni-muni.

Ang layunin ng pagmumuni-muni ay ang makapagpahinga sa presensya ng Diyos. Pakikinig sa Kanya kaysa sa pakikipag-usap. Ang pananatiling tahimik at payapa, lalo na sa panahong ito, ay nangangailangan ng pagsisikap. Ngunit ang Salita ng Diyos ang tinapay na lubhang kailangan ng ating kaluluwa upang mabuhay. Habang nakaupo ka sa Kanyang katotohanan, at pinahihintulutan mo itong "matunaw" sa iyong kaluluwa, ay mas mamamalayan mo ang presensya ng Diyos sa iyong buhay at sa mundo sa paligid mo.

Basahin nang dalawang beses ang Mateo 1:22-25. Maghanap ng salita o parirala na kapansin-pansin sa iyo.

Pagkatapos, pag-isipan ang isang lugar sa iyong buhay na maaari mong ikonekta sa salita o pariralang pinili mo. Bakit mo pinili ang salitang ito sa partikular, at ano ang koneksyon sa iyong buhay? Sa tingin mo, bakit ka naakit dito sa sandaling ito?

Pagkatapos ay manalangin, hilingin sa Diyos na linawin kung ano ang gusto Niyang sabihin sa iyo. Manalangin nang may pag-asam at matiyagang maghintay para sa Kanyang tugon.

Kahuli-hulihan, makinig habang ikaw ay nakaupo kasama ang Espiritu ng Diyos. Bumalik dito makalipas ang ilang oras sa araw na ito rin. May iba pa bang ipinakita sa iyo ang Diyos habang patuloy kang nagninilay tungkol dito?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Abide in Jesus - 4-Day Advent Devotional

Paparating na ang Pasko! Kasabay nito ang Adbiyento - ang paghahanda at pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus. Ngunit nawawala ba ang katotohanang iyon dahil sa abalang iskedyul sa Kapaskuhan, pamimili para sa perpektong regalo, o pagdiriwang ng mga pagtitipon ng pamilya? Sa patuloy na pagmamadali sa panahon ng Pasko, maranasan ang mga bagong paraan upang bumabad sa Salita ng Diyos, na sa huli ay mas magpapalapit sa Kanya. Gisingin ang iyong kaluluwa sa 4 na araw na gabay sa pagbabasa na ito mula sa Abide Bible Journals ni Thomas Nelson.

More

Nais naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.thomasnelsonbibles.com/abide-bible-journals/