Manatili Kay Jesus - 4-na-Araw na DebosyonalHalimbawa
Malapit na ang Pasko! Bagama't ito ay isang masayang panahon kung saan ipinagdiriwang ng mga Cristiano ang kapanganakan ni Jesus, ang panahon ay maaaring matabunan ng stress, pagkabalisa, at abalang iskedyul na nag-iiwan sa atin ng hungkag na damdamin pagdating sa espiritwal na aspeto. Paano natin gigisingin ang ating mga kaluluwa at maging gising ang ating mga espiritu sa panahon ng Adbiyento?
Ang isang paraan upang tayo ay "manatiling alerto," tulad ng sinabi ni Jesus sa Kanyang talinghaga sa Marcos 13, ay ang espirituwal na kasanayan ng pagsusulat ng journal.
Ang pagsusulat sa journal ay nakakatulong sa atin na pag-isipan kung ano ang ating binabasa - hindi lamang upang maunawaan kung ano ang ating nabasa kundi upang makisali sa teksto. Ang Biblical journaling ay karaniwang isang bukas at tapat na pakikipag-usap sa Diyos. Maaari nating labanan ang ating mga pagdududa at takot, humingi ng payo sa Diyos, at tuklasin ang mga saloobin at pagkilos na kailangang baguhin. Walang tama o maling paraan upang mag-journal dahil ito ay personal sa iyo.
Subukan ito: buksan ang iyong Biblia sa Marcos 13:32-37, ngunit huwag simulan ang pagbabasa. Una, magsimula sa pamamagitan ng isang panalangin, na humihiling sa Diyos na kausapin ka at ihayag ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Salita. Manalangin para sa isang bukas na puso at maging alerto sa kung ano ang maaaring sabihin sa iyo. Ngayon basahin ang sipi mula kay Marcos. Panghuli, kasama ang isang journal na malapit sa iyo, pagnilayan at isulat ang mga sumusunod na tanong na may kaugnayan sa teksto:
- Bakit inutusan ni Jesus ang Kanyang mga disipulo na "Mag-ingat! Manatiling alerto!" (v. 33)? Paano mo sinusunod ang utos na ito?
- Gaano ka kasabik sa paghihintay sa Pagdating ni Jesus? Gaano kadalas mo sinasadyang isipin ito sa panahong ito ng pagiging abala? Ano ang maaari mong gawin para mas maging alerto ngayong Pasko?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Paparating na ang Pasko! Kasabay nito ang Adbiyento - ang paghahanda at pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus. Ngunit nawawala ba ang katotohanang iyon dahil sa abalang iskedyul sa Kapaskuhan, pamimili para sa perpektong regalo, o pagdiriwang ng mga pagtitipon ng pamilya? Sa patuloy na pagmamadali sa panahon ng Pasko, maranasan ang mga bagong paraan upang bumabad sa Salita ng Diyos, na sa huli ay mas magpapalapit sa Kanya. Gisingin ang iyong kaluluwa sa 4 na araw na gabay sa pagbabasa na ito mula sa Abide Bible Journals ni Thomas Nelson.
More