Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Asawang Babaeng Nagtatagumpay: Paanong Magtagumpay sa Iyong Pag-aasawa sa Pamamaraan ng DiyosHalimbawa

Wives Who Win: How to Win in Your Marriage God's Way

ARAW 4 NG 5

Pagtatagumpay sa Pag-aasawa sa Pamamagitan ng Kalinawan

Naranasan mo na bang mag-akalang alam mo ang isang bagay para lamang malaman na mali ang iyong pag-aakala?

Kapag nag-akala ka nang walang pagpapatunay, malamang na maniwala ka sa mga kasinungalingan tungkol sa mga taong pinapahalagahan mo. Mas madaling magtanong ng mga paglilinaw sa taong iyon, ngunit madalas, hindi iyon nangyayari. Sa isang banda, ito'y maaaring dahil sa ating napag-usapan noong ikatlong araw, ang kapalaluan. Ang mga relasyon at buhay may-asawa ay nakakaranas ng hindi kailangan at maiiwasang drama dahil sa mga pag-aakala.

Ang pag-aasawa, tulad ng buhay, ay dumaraan sa mga transisyon at dapat mong matukoy kung kailan magsisimula ang pagbabago, kung anong uri ito ng pagbabago, at kung ano ang gagawin sa panahon at pagkatapos ng pagbabago, at hindi gumawa ng mga pag-aakala.

Masyadong maraming panahon ng pagbabago upang pangalanan ang lahat ng mga ito ngunit alam mong regular itong nangyayari at hindi laging nagbibigay ng babala kung kailan o bakit ito nangyayari. Ang ilang mga mag-asawa ay hindi nakakaalam kung ano ang nangyayari sa kanilang pagsasama hanggang sa sila ay nasa kalagitnaan na nito. Isa sa mga paraan kung paano magpapatuloy ang inyong pagsasama, at makaligtas, sa hindi maiiwasang panahon ng pagbabago ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kalinawan sa kung ano ang nangyayari, bakit ito nangyayari, at kung ano ang iyong tungkulin sa pagpapakita ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagsasama.

Mali ang mag-akala, dahil ang mga pag-aakala ay humahantong sa paniniwala sa kasinungalingan tungkol sa iyong asawa na sa iyong puso ay alam mong hindi totoo. Kapag tumanggi kang makakuha ng kalinawan, naniniwala ka sa mga kasinungalingan at maling pagpapalagay tungkol sa iyong asawa na nag-aambag sa higit pang hindi pagkakasundo.

Kapag inaakala mo ang pinakamasama tungkol sa iyong asawa, tinatanggihan mo ang katotohanan, at kapag tinanggihan mo ang katotohanan, itinatakwil mo ang Diyos dahil hindi Siya nabubuhay sa labas ng katotohanan na Kanyang salita. Anumang pagtatangkang mamuhay sa labas ng katotohanan ay maaaring humantong sa iyo na gampanan ang tungkulin ng paghusga sa isa't isa, na higit pang lumikha ng walang katapusang kaguluhan at alitan sa inyong pagsasama.

Sa susunod na matukso kang mag-akala, kumpirmahin kung ano ang iyong pinaniniwalaan sa pamamagitan lamang ng pagtatanong, “Maaari ko bang tingnan ang isang palagay ko tungkol sa iyo o tungkol sa sinabi o ginawa mo lang?”, pagkatapos ay magpatuloy sa pagkakaroon ng kalinawan at sana ay panatilihin ang kapayapaan.

Pagninilay: Nakikita mo ba kung paano makakatulong sa iyo ang pagkakaroon ng kalinawan tungkol sa berbal o di-berbal na mensahe na sinusubukang ihatid ng iyong asawa sa halip na isiping ang pag-aakala ay makatutulong sa inyo na maging mas malapit sa isa't isa at maalis ang kalituhan at alitan sa inyong pagsasama?

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Wives Who Win: How to Win in Your Marriage God's Way

Napakaraming mga mag-asawa ang inilalagay ang kanilang buhay may-asawa sa sarili nilang mga kamay, maging ang mga Cristiano, sa pagsisikap na maayos ang kanilang relasyon ayon sa idinisenyo ng Diyos. Ang pag-aasawa ay hindi sinadya upang maging mahirap, miserable, o malungkot kundi ang eksaktong kabaligtaran nito. Upang tunay na maranasan ng mag-asawa ang pagsasama ayon sa paraan ng Diyos, dapat nilang isama Siya. Sa debosyonal na ito, dadalhin ka ni Treal Ravenel sa isang paglalakbay tungo sa isang pagsasamang ayon sa paraan ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Wives Who Win Co sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://www.wiveswhowin.com