Mga Asawang Babaeng Nagtatagumpay: Paanong Magtagumpay sa Iyong Pag-aasawa sa Pamamaraan ng DiyosHalimbawa
Pagtatagumpay sa Pag-aasawa sa Pamamagitan ng Magkaparehong Kaisipan
"Kaya nga, sapagkat mayroong kasiglahan ang buhay kay Cristo, mayroong kaaliwan ng pag-ibig, mayroong pakikiisa ng Espiritu Santo, at mayroong kagandahang-loob at malasakit para sa isa't isa, lubusin ninyo ang aking kagalakan; magkaroon kayo ng iisang kaisipan, mabuklod kayo sa iisang pag-ibig, at magkaisa kayo sa puso't diwa." Mga Taga-Filipos 2:1-2 RTPV05
Sa pag-aasawa, isa sa mga paraan ng pagtatangka ng kaaway na talunin ka ay sa pamamagitan ng iyong isip at isa pa ay sa pamamagitan ng iyong puso. Kung kaya niyang kontrolin ang paraan ng pag-iisip at pakiramdam mo tungkol sa isang bagay, makokontrol ka niya at ang mga relasyon sa paligid mo.
Gusto ni Satanas na maniwala ka sa mga kasinungalingan at kalahating katotohanan tungkol sa iyong asawa at tungkol sa pag-aasawa. Siya ay isang manlilinlang at nag-aambag sa takot na mayroon ka kapag may maliit na hindi pagkakasundo o pagtatalo. Ginagamit niya ang mga pagkakataong iyon upang magtanim ng mga binhi ng pag-aalinlangan at kawalan ng pananampalataya sa iyong isip at puso na nagiging sanhi ng pagtatanong mo sa taong pinakasalan mo at kung ang pag-aasawa ba talaga ay isang "pagpapares mula sa langit". Nais niyang ubusin ang iyong isip ng hindi makadiyos na mga pag-iisip tungkol sa iyong asawa at sa pag-aasawa sa pamamagitan ng pagmamanipula at panlilinlang, at sa pamamagitan ng pusong may kapaitan at hinanakit. Ginagawa niya ito sa pag-asang pipiliin mong lumayo sa halip na harapin ang mga hamon at hindi magagandang sandali na kinakaharap ng karamihan sa mga mag-asawa.
Kinamumuhian ni Satanas ang kasal at gagawin niya ang lahat sa kanyang limitadong kapangyarihan para sirain ito.
Alam ni Apostol Pablo kung gaano kahalaga para sa mga mananampalataya na magkaroon ng parehas na kaisipan. Bagaman, nagsasalita siya sa simbahan ng Filipos sa Mga Taga-Filipos 2:1-2, ang kasulatang ito ay may kaugnayan din sa mga pag-aasawa. Ang pagkakaroon ng parehong isip ay hindi pagkakaroon ng parehong pananaw, opinyon, o saloobin tungkol sa lahat ng bagay. Nangangahulugan ito ng pagsang-ayon o pagiging isa sa mga bagay na pinakamahalaga.
Kapag mayroon kang parehong pag-iisip tungkol sa pag-aasawa, hindi ka madaling maantig o maiistorbo sa mga taktika ni Satanas. Kapag pareho kayo ng isipan, naiintindihan mo ang layunin at plano para sa kasal at maaaring gamitin ang mga sandali ng hindi pagkakaunawaan at alitan para mas maging malapit sa halip na magkahiwalay pa. Kapag pareho kayo ng iniisip tungkol sa pag-aasawa, mas madaling ibahagi ang parehong pagmamahal at pagkalinga sa isa't isa, kahit na sa kawalan ng katiyakan.
Pagninilay: Paano makatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng kaparehong pag-iisip sa iyong pagsasama upang malampasan ang kahirapan at hamon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Napakaraming mga mag-asawa ang inilalagay ang kanilang buhay may-asawa sa sarili nilang mga kamay, maging ang mga Cristiano, sa pagsisikap na maayos ang kanilang relasyon ayon sa idinisenyo ng Diyos. Ang pag-aasawa ay hindi sinadya upang maging mahirap, miserable, o malungkot kundi ang eksaktong kabaligtaran nito. Upang tunay na maranasan ng mag-asawa ang pagsasama ayon sa paraan ng Diyos, dapat nilang isama Siya. Sa debosyonal na ito, dadalhin ka ni Treal Ravenel sa isang paglalakbay tungo sa isang pagsasamang ayon sa paraan ng Diyos.
More