Unawain ang SabbathHalimbawa
Ano ang Sabbath
Sa Genesis 2:2-3 natin unang makikitang mababanggit ang konsepto ng Sabbath. Ang Diyos, ang Maylalang, ay katatapos pa lang ng lahat ng trabahong paglilikha na ginagawa Niya, at saka Siya nagpahinga. Sa orihinal na wikang Hebreo, ang salita para sa “nagpahinga” ay shabbat, at ang kahulugan nito ay tumigil sa pagtatrabaho. At iyon mismo ang ginawa ng Diyos. Hindi dahil Siya ay pagod at nahahapo, dahil hindi naman nahirapan ang Diyos sa paglilikha ng mundo. Nagpahinga lang Siya, dahil ang trabahong ginawa Niya sa nakaraang anim na araw ay kumpleto na. Sa gayong paraan, ang konsepto ng Sabbath ay nagsimula.
Umabante tayo nang ilang siglo sa Exodo 20. Sa kabanatang ito, ang Sampung Utos ay ibinigay kay Moises para sa mga Judio. Mula sa sampung nakatala, ang ikaapat ang may pinakadetalyadong deskripsyon. Sabi rito:
Alalahanin mo ang araw ng Sabbath, upang ingatan itong banal. Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Diyos. Sa araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang nasa loob ng iyong mga pintuan; sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya't binasbasan ng Panginoon ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal. Exodo 20:8-11 ABTAG01
Ang igalang ang Sabbath ay nangangahulugang pagturing ditong banal, at ang pagturing ditong banal ay ang simpleng paglalaan nito. Kaya nga, marapat na naiiba ang ating Sabbath kaysa anim na araw sa ating buong linggo. Kapag nagsisikap tayong tuparin ang Sabbath, ito'y kalauna'y para sa ating kapakanan.
Ang pamamahinga ay iba para sa iba't ibang tao. Maaaring hindi ikaw ang tipo ng taong gustong humiga-higa sa kanyang araw na walanq gawain, at bagkus ay mas naising makasama ang mga kaibigan. O maaaring hindi mo kailangan ng gaanong pisikal na pahinga, ngunit kailangan ng mental at emosyonal na pahinga. Kung gayon, piliing dumistansya muna sa anumang magsasanhing manatili kang konektado sa anumang pumagod sa'yo nang anim na araw. Anuman ang nagdudulot ng pahinga sa'yo, gayon mo marapat na gugulin ang iyong oras sa Sabbath.
Gumugol ng panahong isipin kung ano ang nagpapanumbalik ng lakas mo pagkatapos ng anim na araw ng pagtatrabaho. At huwag mag-alala kung hindi mo“magawa nang tama” sa bawat pagkakataon. Hindi nagagalit ang Diyos sa'yo na hindi mo natupad ang Sabbath. Hindi ito para sa Kanya, ito'y para sa'yo! Patuloy lang magsanay sa kung paano magpahinga sa iyong Sabbath.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang karamihan sa atin ay labis-labis magtrabaho at pagod na pagod, kaya't ang konsepto ng Sabbath ay talagang mahalaga. Ang igalang ang Sabbath ay nangangahulugang pagturing ditong banal, at ang pagturing na banal ay ang paglalaan at pagrereserba nito. Marapat na naiiba ang ating Sabbath kaysa anim na araw sa ating buong linggo. Sa Gabay na ito, tatalakayin natin kung ano ito, kung ano ito hindi, kung ano ito sa kasalukuyan, at ang pagsumpong sa tunay na kapahingahan kay Jesus.
More