Pagbibilang ng mga Araw Bago Sumapit ang PaskoHalimbawa
Sa bisperas ng Pasko, kapag tulog na ang inyong mga anak, ilagay ang pigurin ni Jesus mula sa inyong Belen sa isang magandang kahon. Ilagay ang kahong ito sa harap ng iba pang regalo sa ilalim ng Christmas tree. Sa araw ng Pasko, unang ipabukas ito sa inyong mga anak. Magpasalamat sa Diyos para sa kanyang ganap na handog -- ang Kanyang nag-iisang anak -- habang inilalagay ang pigurin sa sabsaban sa inyong Belen. Pag-usapan ang kamangha-manghang katotohanan na ang regalong ito ay hindi lamang para sa iilang pamilya, kundi para sa lahat ng pamilya sa buong mundo -- sa nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap.
Para sa higit pa: Ipagdiwang ang kapanganakan ni Cristo habang iniilawan ang puting kandila at inaawit ang inyong paboritong awiting Pampasko. Maligayang Pasko!
Para sa higit pa: Ipagdiwang ang kapanganakan ni Cristo habang iniilawan ang puting kandila at inaawit ang inyong paboritong awiting Pampasko. Maligayang Pasko!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maligayang pagbati sa 28-Araw na Advent Activity ng Thriving Family! Huwag palampasin itong oportunidad na ito para matuklasan ang totoong kahulugan ng Pasko at para mas maging malapit sa isa't-isa ang iyong pamilya! Ang mga gagawin dito ay nilikha para mas tumuon ang iyong pamilya kay Cristo sa panahon ng Pasko!
More
We would like to thank Focus on the Family and thrivingfamily.com for providing this plan. For more information, please visit: www.thrivingfamily.com/advent