Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbibilang ng mga Araw Bago Sumapit ang PaskoHalimbawa

Countdown to Christmas

ARAW 25 NG 29

Gumupit ng hugis anghel, hindi lalampas ng 5 pulgada ang taas, sa isang itim na papel. Tulungan ang mga batang gumupit din ng anghel sa kanilang papel. Bigyan sila ng flashlight at diliman ang kwarto. Gamit ang iyong flashlight, basahin ang Lucas 2:8-14. Kapag nasa bersikulo 9 na, ilawan ang iyong papel para makita ang anghel sa pader. Kapag binasa mo na ang bersikulo 13, ilawan ang lahat ng kanilang anghel sa pader.

Ang mga anghel ay mga taga-pagbalita ng Diyos. Sa kasaysayan, dinala nila ang mga importanteng balita sa iba't-ibang tao. Ngunit isang "dakilang grupo" ng mga anghel ang nag-anunsiyo ng pinaka-importanteng balita mula nang nilikha ang mundo -- ang kapanganakan ni Cristo!

Para sa karagdagan, bisitahin ang www.thrivingfamily.com/advent
Araw 24Araw 26

Tungkol sa Gabay na ito

Countdown to Christmas

Maligayang pagbati sa 28-Araw na Advent Activity ng Thriving Family! Huwag palampasin itong oportunidad na ito para matuklasan ang totoong kahulugan ng Pasko at para mas maging malapit sa isa't-isa ang iyong pamilya! Ang mga gagawin dito ay nilikha para mas tumuon ang iyong pamilya kay Cristo sa panahon ng Pasko!

More

We would like to thank Focus on the Family and thrivingfamily.com for providing this plan. For more information, please visit: www.thrivingfamily.com/advent