Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagbibilang ng mga Araw Bago Sumapit ang PaskoHalimbawa

Countdown to Christmas

ARAW 12 NG 29

Ibalot sa isang wrapper ang iyong singsing na pangkasal. Pagkatapos ay maglagay ng lasong Pamasko sa isang malaking kahon na walang laman. Ilagay ang mga ito sa magkaibang sulok ng kuwarto. Sabihin sa inyong mga anak na gusto ninyong ipakita ang isa sa mga pinakamagandang regalong natanggap mo at ipabukas sa kanila ang regalo. Pagkatapos nilang buksan ang kahong walang laman, ipakita ang mas maliit na regalo. Ipaliwanag na ang panlabas na anyo ay hindi laging nakapagsasabi ng buong kuwento.

Nang naghanap si Samuel ng magiging hari ng Israel, siya ay humanga sa isang tao. Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos na huwag humanga sa panlabas na anyo dahil ang Diyos ay tumitingin sa puso. Pagkalipas ng ilang siglo, ipinakita muli ng Diyos na hindi importante ang panlabas na anyo nang dumating ang matagal nang hinihintay na Tagapagligtas bilang isang karaniwang tao.

Para sa higit pa, bisitahin ang www.thrivingfamily.com/advent

Banal na Kasulatan

Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Countdown to Christmas

Maligayang pagbati sa 28-Araw na Advent Activity ng Thriving Family! Huwag palampasin itong oportunidad na ito para matuklasan ang totoong kahulugan ng Pasko at para mas maging malapit sa isa't-isa ang iyong pamilya! Ang mga gagawin dito ay nilikha para mas tumuon ang iyong pamilya kay Cristo sa panahon ng Pasko!

More

We would like to thank Focus on the Family and thrivingfamily.com for providing this plan. For more information, please visit: www.thrivingfamily.com/advent