Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pananampalataya, Pag-asa, & Pag-ibigHalimbawa

Faith, Hope, & Love

ARAW 4 NG 4

Ano ang Pag-ibig?

Sa unang araw ng gabay na ito, binigyang-kahulugan natin ang pag-ibig bilang pagmamahal sa isang tao o bagay. 

Lahat ay minamahal si Gng. Smith. 
Ipaabot mo sa kanila ang aking pagmamahal.
Basketball ang unang pag-ibig niya.
 

Maraming kahulugan ang maaari nating ibigay sa salitang pag-ibig at karamihan dito ay angkop. Subalit, kapag sinuri natin ang salitang pag-ibig mula sa pananaw ng Diyos, nakakakuha tayo ng ibang larawan kung ano talaga ang pag-ibig. Ito ay ang pundasyon ng ating pananampalataya kay Jesus, dahil ganoon na lang kamahal ng Diyos ang buong mundo na ipinadala Niya ang Kanyang Anak upang pagbayaran ang kaparusahan para sa lahat ng ating mga kasalanan. 

Mahirap maunawaan ang kabutihang-loob ng Diyos sa pagbibigay ng Kanyang Anak para sa atin, ngunit ganoon kamakapangyarihan ang Kanyang pag-ibig na sinasabi ng Biblia. Dahil sa Kanya, may kakayahan tayong umibig (1Juan 4:19). Tinatawag tayo ni Jesus sa pag-ibig at sinasabi Niyang malalaman ng mga taong sinusunod natin Siya sa pamamagitan ng ating pag-ibig (Juan 13:34-35). Sinasabi sa atin ni Apostol Pablo na ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, na hindi ito makasarili, mapagmalaki, naninirang-puri, o bastos (1 Mga Taga-Corinto 13:4-8), at ang pag-ibig na ito ang nagbubuklod sa lahat sa ganap na pagkakaisa (Mga Taga-Colosas 3:14).

Paano natin ito maipapamuhay? 
Ang panawagan na mahalin ang ibang tao ay nagmula mismo kay Jesus, at ang pag-ibig ay lubos na maipapakita sa ating mga pakikipag-ugnayan. Hindi ito isang gawin mo ang anumang sa pakiramdam mo ay tama sa kasalukuyan na uri ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay may pagkilos. Ang tunay na pagmamahal sa ibang tao ay maaaring nakakaasiwa kung minsan, dahil kabaligtaran ito sa ating makasariling likas na pagkatao. Ngunit ang pag-ibig ay gumagawa ng mga tulay, pinipiling parangalan ang ibang tao, at nagpapakita ng paggalang sa lahat ng tao anuman ang pagkakaiba ng kanilang mga pananaw. Napakaganda ng ating pagiging kinatawan ni Jesus kapag minamahal natin ang mga tao, dahil sa ganitong di-makasariling pagkilos makikita ng mundo ang isang Tagapagligtas na karapat-dapat sundan. 

Anong gagawin ko kapag nababawasan ang aking pag-ibig?
Kung minsan, napakasayang mahalin ang ibang tao nang ganoon na lang at kung minsan, pinipili nating kumilos sa pagmamahal kahit hindi natin ito nararamdaman. May panahong gusto nating saktan ang isang tao sa ating mga salita o pagkilos dahil ang ating imbakan ng pag-ibig ay halos ubos na, ngunit malaman mong ang pag-atras sa ganitong nakakapagod na sitwasyon ay mas magbibigay ng maayos na kalalabasan. Sa huli, kapag nararamdaman nating naubusan na tayo pagdating sa pag-ibig, paalalahanan natin ang ating mga sarili sa lahat ng ginawa ng Diyos para sa atin at lumakad tayong may pusong nagpapasalamat. Ang piliing magmahal ay makapagdaragdag sa ating pag-ibig at aakayin tayo upang magmahal sa ating kapwa. 

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Faith, Hope, & Love

Isinulat ni Apostol Pablo na sa lahat ng mga bagay sa buhay, tatlong bagay ang nananatili: pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig. Anong ibig sabihin nito para sa ating mga tagasunod ni Jesus, at paano natin ito maipapamuhay? Sa 4-na-araw na Gabay na ito, matututunan pa natin nang higit ang tungkol sa mga katangiang ito, at mauunawaan kung paanong maipapamuhay ang isang buhay kung saan araw-araw nating ipapakita ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.