Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]Halimbawa

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]

ARAW 4 NG 7

Ang iyong isip ang iyong larangan ng digmaan!

Ang ating utak ay isang pambihirang regalo mula sa Diyos na dapat natin gamitin sa mabuti. Ang laki ng utak ng tao ay isang kamao lamang, ngunit maaari itong mag-accomodate ng kaalaman higit sa 100,000 na dami ng mga libro. May kasabihan: "Gamitin mo o mawala ito". Ito ay isang katotohanan sapagkat halos lahat ng ating ginagawa ay nagsisimula sa ating isipan. Kailangan nating umasa sa Diyos dahil ang ating pag-unawa at pag-iisip ay limitado, habang ang Diyos ay walang limitasyon.

Ang Diyos ang arkitekto ng lahat ng mga arkitekto at nakikita Niya mula pa sa simula hanggang sa katapusan kung ano ang itatayo. Alam niya ang mga proseso at ang mga pagkakasunud-sunod. Mayroon din siyang mga paraan na hindi pa naiisip ng tao, mga paraan upang ayusin ang mga paghihirap at lutasin ang mga problema na hindi kailanman tumatawid sa ating isipan. May katotohanan sa Kawikaan 3: 6 na maaaring humikayat sa atin na lalong magkaroon ng kaisipan ni Cristo. Sa salin ng Ingles, sinasabi nito: " Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, At kaniyang ituturo ang iyong mga landas." na nangangahulugang ang Diyos ay laging nasa ating isip. Samakatuwid, alalahanin mo Siya sa lahat ng iyong ginagawa bilang iyong paglilingkod sa Kanya.

Kung ganoon paano natin gagawin na isa-isip at puso palagi ang Diyos? Nangangailangan ito ng oras at proseso sa pamamagitan ng ating mga panalangin, salita, pagsamba, at paglilingkod. Ang ating pananaw at pag-iisip ang magtutukoy kung sino tayo, ang ating direksyon, ang ating pagpapasya at ating mga hakbang sa buhay. Magkaroon tayo ng isip at pananaw ni Kristo sa ating buhay.

Pagninilay:

1. Sagutin natin ito nang matapat, sino ang kumokontrol sa ating isip ngayon?

2. Gaano kadalas mong iniaasa sa Diyos ang iyong mga iniisip at plano? Ipaliwanag!

Isagawan ito: Huwag patigasin ang iyong puso sa mga bagay na nais ng Diyos na baguhin  mo sa iyong buhay upang ang lahat ng iyong gagawin ay magtagumpay.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]

Ang pagkabahala ay kaaway ng pananampalataya. Ang ating mga alalahanin ang nagpahihina ng ating pananampalataya, . Ibinigay ng Diyos ang Kanyang salita upang mapagtagumpayan natin ang mga pag-aalala at mapalitan ng isang kwento ng pagtatagumpay. Sa debosyong "Paglalakad kasama ni Hesus", nawa tayong lahat ay maging matatag sa pananampalataya at mapagtagumpayan ang mga alalahanin.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg