Paglakad kasama ni Jesus [Pagkabahala]Halimbawa
Ngunit sisigaw ako sa galak!
Si Propeta Habakuk ay nabuhay sa panahon ng walang katiyakan. Hindi ito isang kaaya-ayang oras. Sa mga panahong iyon, ang kaharian ng Babilonya ay mabilis na lumalaki at naging isang makapangyarihang bansa. Ang mamamayan ng Juda ay lubos na natatakot para sa kanilang buhay. Maraming silang katanungan tungkol sa hinaharap. Gayunman, sa pagtatapos ng kanyang mga sinulat, isinulat ng propeta ang kaaliwan ng pangako ng kumpiyansa na iingatan at pangalagaan ng Diyos ang Kanyang mga mamamayan. Isinulat niya:
Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihin sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan, 18 magagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Dios ang nagliligtas sa akin.
Ngayon, maaaring tayo ay namumuhay sa isang hindi tiyak na sitwasyon. Ang mga mga alalahanin ang umaapaw sa ating mga puso at isipan. Kung nabubuhay ngayon si propeta Habakuk, isusulat niya ito;
Kahit na ang mga presyo ay patuloy na tumataas,
walang pagtaas ng suweldo ngayong taon,
ang stock market ay patuloy na bumababa
walang pera o bonus,
ang mga negosasyon ay patuloy na nabibigo
at maraming bagay ang napababayaan,
gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon
Magagalak ako sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Maaari nating piliin na manatiling masaya sapagkat ang ating kagalakan ay matatagpuan sa Panginoon. Ang ating kagalakan ay hindi nakasalalay sa ating sitwasyon.
Pagninilay:
1. Gaano ka nababahala sa isang sitwayon na hindi tiyak para sa iyo?
2. Gaano kalaki ang epekto ng kagalakan sa katatagan ng ating pananampalataya?
Isagawa ito: Magalak sa bawat sitwasyon. Ang kagalakan ng Panginoon ang ating kalakasan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagkabahala ay kaaway ng pananampalataya. Ang ating mga alalahanin ang nagpahihina ng ating pananampalataya, . Ibinigay ng Diyos ang Kanyang salita upang mapagtagumpayan natin ang mga pag-aalala at mapalitan ng isang kwento ng pagtatagumpay. Sa debosyong "Paglalakad kasama ni Hesus", nawa tayong lahat ay maging matatag sa pananampalataya at mapagtagumpayan ang mga alalahanin.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg