Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay Halimbawa
Saloobin ng Pasasalamat
Ang ating paglakad sa Diyos ay hindi laging madali. Sa katunayan, maaari itong maging mahirap. Magkakaroon ito ng mga pagsubok, at mga panahon ng paghihintay. Pero ipinangako ng Diyos sa kanyang salita: Magdaranas kayo ng kapighatian sa mundong ito, ngunit tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko ang sanlibutan! (Juan 16:33). Anong dakila ng pangako niya para sa atin!
Biniyayaan ako na makapagtapos ng kolehiyo pero pagkatapos, nahirapan akong makakuha ng regular na trabaho sa aking kurso. Nakakabigo at nakakadismaya! Panginoon, bakit mo ako inakay sa lahat ng ito para iwan mo? Yan ang aking tanong. Pero ang Diyos, Hindi siya nagkakamali!
Ibinihagi ng isang tagapagturo sa akin na laging may plano ang Diyos. Sinabi sa Roma 8:28, Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. Binago ko ang aking pananaw at saloobin sa paghihintay. Sinimulan kong magpasalamat sa lahat ng kalagayan sapagkat ito ang kalooban ng Diyos (1 Tesalonica 5:18). Binigyan ako ng Diyos na kaligayahan at kapayapaan habang naghihintay.
At isang araw, sinabi ng Diyos sa akin sa kanyang mga salita, lumabas ka ng iyong bansa, pumunta ka sa lugar na ipapakita. Narinig kong ako’y pagpalain! Eto ang mga salita ng Diyos kay Abraham sa Genesis 12:1. Kaya nag-apply ako para sa isang posisyon sa Georgia at pumunta ako ng Estados Unidos galing Pilipinas. Ang Kanyang mga plano ay palaging mas mahusay kaysa anumang bagay na maaari nating isaalang-alang para sa ating sarili lamang.
10 taon na ang nakalilipas, naglakbay ako sa isang sulok ng daigdig. 7 taon ang nakalipas, nagpakasal ako sa aking kahanga-hangang asawa na si Terry at inimbitahan ko ang aking mga magulang na pumunta sa US para sa aming kasal. At habang nasa Estados Unidos sila, dinala ko sila sa taniman ng mansanas. Naalala ko nang ako’y isang batang nagnanais lamang ng kahit isang bulok na mansanas, at sa pagpapala ng Diyos, niloob niyang dalhin ko ang aking pamilya sa isang buong taniman ng may hitik na bunga ng mansanas.
Ang papa ko ay nanguha ng mga mansanas sa lupa, at sinabi ko sa kanya na ang Diyos ay labis ang pagpapala sa atin, higit pa sa maaari nating hilingin o isipin (Efeso 3:20-21). Sa pagpapala niya, binigyan niya tayo ng pagkakataon na mamitas ng mansanas sa puno nito!
Pinalaya ako ng Diyos mula sa kahirapan, at ngayon ako’y ginagamit niya para maging pagpapala sa ibang mga bata para makawala sa kahirapan tulad ng ginawa ng Diyos sa aking buhay. Hindi ko mapigilan ang pagpapala sa sarili ko lamang. Ngayon ako ay isponsor na rin ng apat na bata sa buong mundo. At ako’y nagagalak para sa kanila na maranasan din nila ang dakilang pag-ibig ng ating Ama sa langit.
Ngayon, kapag nahaharap ako sa mga problema at kahirapan sa buhay, ako’y humihinto at nagmumuni-muni sa Kanyang salita at inaalala ang lahat ng mga bagay na ginawa niya sa buhay ko at nagpapasalamat sa Kanya. Bigyan mo ng oras ang pagmumuni-muni at magpasalamat sa Panginoon kung paano ka niya pinasan sa buhay. Lagi siyang nandiyan.
Panalangin: Panginoon, ako’y lubos na nagpapasalamat sa bagong buhay na iyong ibinigay sa akin. Salamat sa lahat ng bagay na ipinapakita mo sa akin habang ako’y lumalakad sa buhay na kasama ka. Turuan mo ako kung paano magpasalamat sa bawat kalagayan at sa bawat panahon ng aking buhay. Lagi mong ipaalala sa akin kung sino ka at sino ako sa Iyong harapan. Mahal kita. Amen.
To view other plans from Compassion International, please visit: https://www.bible.com/reading-plans-collection/5482
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.
More
Nais naming pasalamatan ang Compassion International sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.compassion.com/youversion