Bago sa Pananampalataya: Pagpahintulot sa Panginoon na Baguhin ang Iyong Buhay Halimbawa
Sundin ang Diyos ng buong puso
Si Jesu-Cristo ay di lang tagapagligtas. Siya ay Panginoon din. At pag sinabi nating Panginoon, kailangan pag-usapan natin ang pagsunod.
Nang ako’y 9 na taong gulang, ang mga magulang ko ay nagpasya na lumipat sa Manila, sa kapital ng Pilipinas. Nangarap sila ng mas magandang buhay. Pero mas naging mahirap pa ang aming sitwasyon kaysa sa dati. Nagpalipat-lipat kami ng bahay kasi di namin kayang bayaran ang renta. At sa isa naming tinirhan, yung tinutulugan namin ay lumutang sa tubig baha dahil sa bagyo.
Noong ako ay nasa high school, nangarap ako ng mas higit pa. Sabi ko sa mama ko na ayoko na ng ganitong sitwasyon. Gusto ko mag-aral ng kolehiyo, kumuha ng edukasyon at magandang trabaho para ako’y maging matagumpay. Sinabi ng mama ko na manalangin sapagkat ang Diyos ay nagbibigay sa ating pangangailangan.
Sinabi niya ang birsikulo ni Josue, na tumatalakay tungkol sa tagumpay. Ang sabi, Huwag mong kaligtaang basahin ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayin mo iyon araw at gabi upang matupad mo ang lahat ng nakasaad doon. Para sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang iyong pamumuhay. (Josue 1:8)
Kung gusto mo ng tunay na tagumpay sa buhay? Matutunan mong sumunod sa Diyos.
Hindi niya hiningi ang ating pagsunod upang maging mahirap ang ating buhay. Subalit, ang ating pagsunod sa Kanya ay nagbibigay ng buhay na maluwalhati. Habang ginugugol ko ang aking oras sa Diyos, ipinakita niya sa akin ang kanyang mga utos. At sa bawat tagubilin, ay may kasamang pangako.
Tinuruan niya ako paano magbigay ng ikapu. Tinuruan niya ako paano magmahal ng aking kapwa tulad ng pagmamahal sa aking sarili. Tinuruan niya ako paano magbigay sa kapwa kahit salat ako sa sarili . Inutos niya na magbigay at ito ay may karampatang pangako: Magbigay kayo at kayo’y bibigyan ng Dios; Hustong takal, siksik, liglig at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. (Lukas 6:38)
Habang ako’y lumalakad sa pagsunod sa Diyos, ang kanyang mga pangako ay dumating. Ang ating Diyos ay mabuting taga-gantimpala! Pagka graduate ko ng highschool, sinabi ng Compassion International sa akin na may program na ibinibigay sa mga napiling estudyante para tumuntong sa kolehiyo. At isa ako sa mga piling estudyante na makakatuntong ng unibersidad…ng libre!
Ako ngayon ay isang Physical Therapist at tagapagtaguyod ng mga batang namumuhay sa kahirapan. Nagsasalita ako para sa mga hindi makapagsalita sa kanilang sarili para sila din ay makawala sa kahirapan sa pangalan ni Hesus.
Meron bang bahagi ng iyong buhay na gusto mong ipaubaya sa pagsunod kay Cristo? Ang pagsunod ay mahirap, pero kung alam natin na ang ating pagsunod ay sa ating ikabubuti, hindi bat tayo’y susunod ng may kagalakan?
Panalangin: Panginoong Hesus, tulungan niyo po akong hindi lamang maging tagapakinig ng iyong salita kundi tagasunod din sa iyong salita. Bigyan mo ako ng lakas para sumunod sa iyong mga utos. Kahit na hindi ko minsan maintidihan ang rason kung bakit. Turuan mo akong magtiwala ng lubos sa Iyo at lagi kong tatandaan na ito ay para sa aking kabutihan. Salamat sa pagiging mapagmahal at mapagmalasakit na Diyos. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Maligayang pagdating sa pamilya ng Panginoon! Ang buhay mo’y hinawakan Niya at binago ang iyong puso upang maging higit pa Kaniya. Subalit ano ba ang hitsura ng mga bagong mananampalataya na sumunod sa Kaniya? Ano ang gagawin mo upang mabago? Sa pamamagitan ng paggalugad sa kwento ng paglalakbay ng isang babae sa kaniyang pananampalataya, matutuhan mo kung ano ang hitsura sa pagsunod at pagtitiwala sa Kaniya.
More
Nais naming pasalamatan ang Compassion International sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.compassion.com/youversion