Pakikinig Mula sa Langit: Pakikinig sa Panginoon sa Pang-araw-araw na BuhayHalimbawa

Sinasabi ng Tinig Mula sa Langit, "Kumanlong ka sa Akin."
Ako ang batang maliit noong ako'y lumalaki. At nakalulungkot, 'yun pa rin ako.
Ang buhay sa pansamantalang mga pamayanan ng Nairobi ay kadalasang mailalarawan bilang puno ng karahasan, at ang kakulangan ko sa sukat ay naging sanhi upang makaranas din ako ng karahasang iyon. Minsan, tila sariling kapakanan lamang nila ang iniisip ng mga tao. Walang oras ang mga magulang namin para masigurado na hindi kami inaaway ng ibang tao--kailangan nilang magtrabaho hangga't kaya nila para kumita.
Habang nasa ika-anim na baitang, nakaranas ako ng isang partikular na karanasan ng pambu-bully. Parang higante ang pinuno nila! Ipinahiya niya ako. Sa pagtatapos ng linggo, nakaranas ako ng matinding kalungkutan. Ngunit nagpunta ako sa Compassion Center sa aking simbahan, kung saan pinag-usapan nila na ang Diyos ang ating kanlungan. Habang naririnig ang turong ito, bumuhos sa akin ang pag-ibig ng Panginoon at naaliw ang aking kaawa-awang kaluluwa.
Ang Compassion Center ay isang lugar kung saan nakakaranas ako ng kapayapaan at kaligtasan. Inaalagaan at inaaliw kami ng mga kawani dito.
Naranasan mo na bang matakot? Naranasan mo na bang hindi ka ligtas? Naramdaman mo na ba na hindi mo kayang pangalagaan ang iyong buhay? Maaari nating dalhin ang ating takot sa ating Diyos dahil Siya ay isang mabuting Diyos. Naririnig Niya ang ating mga daing para sa kaligtasan. Iniingatan Niya tayo mula sa kasamaan.
Tulad ni David, maaari kang tumawag sa Diyos. Kaya Niyang iligtas ang buhay mo! Maaari ka Niyang ingatan mula sa mga panganib ng mundong ito. Maglaan ng sandali at manalangin para sa lahat ng mga bata sa mundo na natatakot. Mamagitan para sa kanilang mga buhay at kaluluwa at hilingin na ihayag ng Panginoon ang Kanyang sarili bilang isang kanlungan sa kanila. Amen.
Matuto pa tungkol sa Compassion program na tinutukoy ng may-akda, si Njenga, at kung paano mo magagawang tulungang dalhin ang Espiritu ng Panginoon sa mga batang nasa kahirapan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang Panginoon ay buhay at aktibo ngayon, at direktang nagsasalita Siya sa bawat isa sa Kanyang mga anak. Ngunit kung minsan, maaaring mahirap Siyang makita at marinig. Sa paggalugad sa kuwento ng paglalakbay ng isang tao tungo sa pag-unawa sa tinig ng Diyos sa mga pook ng mahihirap sa Nairobi, malalaman mo kung ano ang hitsura ng marinig at sumunod sa Kanya.
More