Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pakikinig Mula sa Langit: Pakikinig sa Panginoon sa Pang-araw-araw na BuhayHalimbawa

Hearing From Heaven: Listening for the Lord in Daily Life

ARAW 1 NG 5

Ang Katotohanan Mula sa Banal na Espiritu

Pagkatapos ng aking ika-labinlimang kaarawan, hindi na ako nagsimba. Nais kong maging cool, at ang pagpunta sa simbahan ay hindi cool para sa akin. Nang mga sumunod na taon, marami akong gulong napasukan at naging rebelde ako. Nagbalik-tanaw ako sa mga taon ng aking kabataan at naalala ko ang katotohanan ng Diyos na inihayag Niya sa akin noon. Ginamit ng Diyos ang Kanyang katotohanan para tawagin ako mula sa aking kadiliman.

Ang Banal na Espiritu ay nangungusap at nagpapahayag ng katotohanan sa mananampalataya at maging sa mga di-mananampalataya. Habang isang rebeldeng kabataan, nagpahayag ang Espiritu ng Diyos sa akin. Napagtanto kong lumakad ako sa landas ng kadiliman at kamatayan. Kinailangan ko ang liwanag at buhay ng Diyos. Nagpahayag sa akin ang Diyos noong nasuspinde ako sa aking paaralan. Sa loob ng dalawang linggong pagkasuspinde sa paaralan, malinaw na nangusap sa akin ang Banal na Espiritu at sinabi ang aking mga likong gawain. 

Bilang mga mananampalataya, hindi tayo nag-iisa. Ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa ating mga kilos at nangungusap sa atin. Kailangan natin ang katotohanan ng Diyos araw-araw, at ibinibigay ito sa atin ng Banal na Espiritu. Ngunit minsan hindi tayo nakikinig, at hindi natin naririnig. Ipinapalagay natin na ang Diyos ay hindi nagsasalita. Pero totoo ba 'yun? Mas posibleng hindi pa tayo natututong makinig. Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay-buhay sa mga salita ng Banal na Kasulatan.

Imposible para sa isang taong di-matuwid na tanggapin ang katotohanan nang hindi ipinapahayag ng Banal na Espiritu kung ano ang totoo. Imposible ring mamuhay ng isang matuwid na buhay kung hindi ipapahayag ng Espiritu ng Katotohanan kung ano ang matuwid.

Ang bawat tagasunod ni Cristo ay pinagkakalooban ng Banal na Espiritu upang tulungan tayong mabuksan ang ating mga mata sa Kanyang plano. Maaari ba tayong huminto nang sandali at manalangin na buksan ng Espiritu ng Katotohanan ang mga mata ng mga taong nabubulag sa kadiliman? Ama naming nasa Langit, salamat sa Banal na Espiritu na nangungusap at nagpapahayag ng katotohanan. Dalangin kong mangusap Ka at ipahayag ang Iyong katotohanan sa mga taong lumalakad sa kadiliman, Amen!

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Hearing From Heaven: Listening for the Lord in Daily Life

Ang Panginoon ay buhay at aktibo ngayon, at direktang nagsasalita Siya sa bawat isa sa Kanyang mga anak. Ngunit kung minsan, maaaring mahirap Siyang makita at marinig. Sa paggalugad sa kuwento ng paglalakbay ng isang tao tungo sa pag-unawa sa tinig ng Diyos sa mga pook ng mahihirap sa Nairobi, malalaman mo kung ano ang hitsura ng marinig at sumunod sa Kanya.

More

Nais naming pasalamatan ang Compassion International sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.compassion.com/youversion