Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagdaan sa Panahon ng KahirapanHalimbawa

Going Through Hard Times

ARAW 2 NG 4

Bakit Tayo Dumaranas ng Mga Pagsubok 

Pagdating sa mga pagsubok sa ating buhay, isang salita ang madalas nating bukang-bibig-bakit. Dahil masalimuot ang mga pagsubok, masakit, at kahabag-habag, madalas ay tinatanong natin, "Bakit ito nangyayari sa akin? at kadalasan ay hindi natin nakukuha ang sagot na gusto natin. Dahil dito ay pinagdududahan natin ang ating pinaniniwalaan dahil sinusubok ang ating mga pagnanais. 

Katulad ng ating natutunan sa Araw 1, itinuro sa atin ni Jesus na tayo ay magkakaroon ng kapighatian. Ang buhay bilang tagasunod ni Cristo ay hindi ligtas sa paghihirap. Ang ating mundo ay nabuwal at nasira na mga masasama at mga sirang tao na gumagawa ng mga makasalanan at mga sirang bagay. Siyempre, mayroong mga pagsubok. Gagawa ang mga tao ng mga bagay-bagay na makaaapekto sa atin. Tayo mismo ay makagagawa ng mga bagay na makaaapekto sa iba at sa ating mga sarili. Hindi man natin sadya, ngunit ang ating mga kilos ay maaaring makasakit sa buhay ng iba. Marahil ay sa sarili rin nating buhay.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit tayo nagdaraan sa mga pagsubok:

Pagpapatatag ng ating Espirituwal
Anuman ang paraan kung paano nakapasok ang pagsubok sa ating mga buhay, maaari nating gamitin ang mga ito bilang kasangkapan upang palakasin at hubugin ang ating pagkatao at ang ating pananampalataya. Kapag tayo'y nagdaraan sa mga bagay na sumusubok ng ating pasensya at pagiging resilient, maari tayong magpatuloy mabuhay kasabay ng pagsubok na ito at hayaan itong patatagin tayo o maaari tayong magpatuloy na labanan ito. Napakahirap na hayaan ang mga panahon ng pagsubok na hubugin tayo ngunit kapag hinayaan natin ito, sulit ang kalalabasan nitong produkto, na hindi hamak na mas maganda; ito ay isang mas maka-Diyos na bersyon ng ating mga sarili.

Mga Kahihinatnan ng Ating mga Pagpili
Mayroong malupit na realidad pagdating sa ating mga pagpili at iyon ang mga kahihinatnan na sumusunod sa mga ito. Kadalasan, ang ating mga pagsubok at paghihirap ay direktang resulta ng kung paanong ang iba ay namuhay ng kanilang mga buhay at tayo ng ating mga buhay. Maaari tayong magdusa dahil sa mga kilos ng iba o ng ating mga sarili. Ang ilang kilos ay makasalanan, at kapag ito nga ay makasalanan, ang mga sumusunod na kahihinatnan ay hindi maganda. 

Espirituwal na Atake
Pagdating kay Satanas, ang ating espirituwal na kaaway, minsan ay binibigyan natin syang nang higit na kredito o minsan naman ay kakarampot. Ang bawat masamang nangyayari sa atin ay hindi niya kasalanan ngunit unawain na mayroon siyang papel sa mga mahihirap na mga pangyayari na ating kinakaharap. 

Sa Araw 3 ng Gabay na ito, tayo ay maglalakbay sa mga Kasulatan na puno ng pag-asa na magpapakita sa atin na ang Diyos ay palaging kumikilos at ginagamit ang anuman at lahat para sa ating kabutihan gayundin para sa ikabubuti ng buong sangkatauhan. 

Magnilay

  • Balikan ang isang pagsubok na iyong napagdaanan. Sa palagay mo ba ay ito ay isang pagpapatatag ng iyong pagkatao, isang kahihinatnan ng iyong pagpili, o isang espirituwal na atake? Isulat ang iyong mga saloobin.
Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Going Through Hard Times

Ang pagharap sa mahihirap na mga sitwasyon sa ating mga buhay ay hindi maiiwasan. Ngunit sa maikling 4-araw na Gabay na ito, tayo ay mahihikayat na malaman na tayo ay hindi nag-iisa, na may layunin ang Diyos para sa ating sakit, at gagamitin Niya ito para sa Kanyang dakilang layunin.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.