Pagdaan sa Panahon ng KahirapanHalimbawa
Magpakatatag
Kung dumadaan ka ngayon sa isang pagsubok sa iyong buhay, hindi ka nag-iisa. Sa katunayan, 100% ng mga tao sa buong mundo ay makararanas ng ilang uri ng pagsubok o kahirapan sa kani-kanilang mga buhay. Kahit na ika'y nasa isa ngayon, papaalis, o papunta sa isa, bahagi talaga ang mga ito ng buhay. Walang sinuman ang may kagustuhan ng mga pagsubok. Pag-isipan mo ito—may nakilala ka na ba na natuwa o nagalak na dumaan sa isang mapaghamong panahon? Malamang ay wala.
Walang gamot ang maaari nating inumin upang hindi tayo lapitan ng mga kapighatian ni rami ng positibong kaisipan o self-talk ang makapag-iiwas sa atin na dumaan sa mga pagsubok. Kaya, kahit para bang pakiramdam natin na tayo lang ang nagdaraan sa mahihirap o masasakit na sitwasyon, hindi lang tayo.
Maaari nating hanapin ang kalakasan ng loob sa tinuro ni Jesus. Sinabi niya sa atin sa Juan 16:33, Magdaranas kayo ng kapighatian. Nauunawaan niya kung ano ang ating kakaharapin—isang mundong puno ng kalupitan, kasalanan, pagkamuhi, at espirituwal na kaaway na palaging nagnanais na tayo ay supilin. Ngunit salamat at, sinabi Niya rin na "tibayin ninyo ang inyong loob" dahil "Napagtagumpayan Niya ang sanlibutan." Hindi natin kailangan mamuhay nang walang gana sa isang nakapanghihinang daigdig. Maaari pa rin tayong mamuhay ng isang puno, at masaganang buhay sa pag-iisip na sa katapusan, tayo'y magtatagumpay.
Si Jesus ay dumating sa mundo sa isang dahilan— ang sangkatauhan. Siya ay dumating upang tayo ay iligtas at handugan ng walang hanggang buhay. At karamihan sa atin ay tinuruan na kung tayo ay sasagot ng oo kay Jesus at tatanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas, hindi na tayo makararanas ng kapighatian at mahihirap na panahon. Mali.
Hindi maiaalis ng pagbabasa ng Gabay na ito ang mga hamon na iyong hinaharap, o mga sakit sa puso na iyong tinitiis. Ang inaasahan namin na magawa nito ay bigyan ka ng kaunting lakas at katatagan ng loob upang gawin ang susunod na hakbang. Hindi mo kailangan humakbang ng 20 hakbang ngayon—'yong susunod lamang. Pagkatapos bukas, 'yong susunod ulit. Pag-uusapan natin ang ilan sa mga bakit sa likod ng ating mga pasakit at paano tayo lalakad sa mga nakakatakot na daan na dala nito.
Nawa, habang tinatalakay natin ang paksang ito, ay yayakapin mo kung gaano ka iniibig ng Diyos, kung paano Niya gagamitin ang iyong mga pasakit para sa Kanyang mga layunin, at kung paano ka Niya babaguhin mula sa iyong kaibuturan. Siya ay may mabubuting plano para sa iyo, kahit habang nasa gitna ka ng sakit o pinagdadaanang paghihirap. Hinihikayat ka naming magpatuloy lang sa iyong paglalakbay upang makita ang mga ito.
Magnilay
- Ano'ng nangyayari sa iyong buhay na gumugulo sa iyong isipan? Isulat mo ang mga resulta na iyong ninanais.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang pagharap sa mahihirap na mga sitwasyon sa ating mga buhay ay hindi maiiwasan. Ngunit sa maikling 4-araw na Gabay na ito, tayo ay mahihikayat na malaman na tayo ay hindi nag-iisa, na may layunin ang Diyos para sa ating sakit, at gagamitin Niya ito para sa Kanyang dakilang layunin.
More