Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kapangyarihan ng PangitainHalimbawa

The Power of Vision

ARAW 2 NG 5

May pagkakataon ba na pakiramdam mo wala kang kapangyarihan pero hangad mo na sana mayroon kang puwedeng gawin? 

Isipin mo si Nehemias, ang tagapagdala ng baso kay Haring Artaxerxes. Wala siyang pera o kapangyarihan, pero ginamit siya ng Diyos upang baguhin ang kasaysayan.

Noong dumating ang kapatid ni Nehemias para sabihin sa kanya ang tungkol sa mga pag-uusig na nangyayari sa Jerusalem, siya ay umupo at tumangis.

Masidhi ang pagmamalasakit ni Nehemias para sa mga mamamayan ng Israel at sa siyudad ng Jerusalem. Nang marinig niya ang balita, nakita niya sa kanyang isip ang pangangailangan, naramdaman sa kanyang puso ang sakit, at nagtulak ito para siya ay manalangin.

Makikinita natin ang kanyang inisip, “Ano ang maaari kong gawin tungkol dito? Isa lamang akong tagadala ng baso sa hari.”

Sa kabila ng kanyang kawalan ng kapangyarihan, dumulog si Nehemias sa Kanya na makapangyarihan sa lahat. Maglaan ng sandali para hilingin sa Diyos na ipakita ang isang pangangailangan sa paligid mo, isang pangangailangan na bukod-tanging ikaw ang niregaluhan ng Diyos para tuparin ito.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

The Power of Vision

Ang pangitain ay ang isang pinakamahalagang kadahilanan na nagbubukod sa mga mabuting pinuno mula sa mga dakila. Tuklasin ang proseso na ginagamit ng Diyos upang magsimula ng pangitain sa buhay ng mga Cristiano.

More

Nais naming pasalamatan ang International Leadership Institute sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://ILITeam.org