Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Kapangyarihan ng PangitainHalimbawa

The Power of Vision

ARAW 1 NG 5

Malinaw ba ang pagkakabatid mo sa layunin mo sa buhay? Alam ng Diyos, at nilikha ka Niya para sa isang natatanging layunin! 

Ang pangitain ay siyang instrumento na ginagamit ng Diyos para tulungan kang gabayan patungo sa layuning iyon. 

Ang pangitain ay isang larawan ng ninanais na hinaharap na siyang umaantig sa kaibuturan ng iyong pagnanasa at pinag-uugnay ang iyong isip, katawan, at kaluluwa. Ang hamon ay ang pagtuklas sa pangitaing ito at ang paghahanap sa tapang para ipamuhay ito. 

Ano ang plano ng Diyos sa iyong kinabukasan? Nakikinita mo ba ito? Sa iba, mabilis pumasok sa isip ito. Sa maraming tao, kailangan nilang maglakbay sa karanasan para matuklasan ito.

Maglaan ng sandali at isipin ang hinahangad mong kinabukasan. Ipanalangin mo ito! Hayaan mong dumaloy ito sa iyong puso. Ito ang unang hakbang patungo sa pagtuklas sa pangitain ng Diyos para sa iyong buhay.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Power of Vision

Ang pangitain ay ang isang pinakamahalagang kadahilanan na nagbubukod sa mga mabuting pinuno mula sa mga dakila. Tuklasin ang proseso na ginagamit ng Diyos upang magsimula ng pangitain sa buhay ng mga Cristiano.

More

Nais naming pasalamatan ang International Leadership Institute sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: http://ILITeam.org