21-Araw sa Mga Taga-EfesoHalimbawa
![21 Days in Ephesians](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F15691%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Mga Taga-Efeso 4:25-32
Mga Pangunahing Talata: Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot, galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdaming ng kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; mapagpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo. — Mga Taga Efeso 4:31-32 (RTPV05)
Makibahagi sa Salita ng Diyos:
(1) Hilingin sa Diyos na tulungan kang makaunawa, maniwala, at mabago habang binabasa mo ang Kanyang Salita.
(2) Ibuod ang taludtod sa isang parirala o pangungusap.
(3) Kopyahin ang pangunahing talata sa iyong talaarawan o kuwaderno.
(4)Isulat ang anumang kaisipan, impresyon o mga tanong na mayroon ka.
(5) Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paanong ang taludtod ay magagamit sa iyong buhay sa ngayon.
(6) Manalangin na bigyan ka ng pananampalataya na gawin ang anumang maaaring ipagawa ng Diyos sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![21 Days in Ephesians](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F15691%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang mga Taga-Efeso ay mayaman sa katotohanan patungkol sa Diyos at ang Kanyang gawaing pagliligtas sa atin. Ang gabay na ito ay dinisenyo upang matulungan kayo na maunawaang mabuti ang tekstong ito, habang mas natututo ng tungkol sa Diyos at sa iyong sarili. Ang anim na araw-araw na ritmong hakbangin ay makatutulong na ugaliing magbasa at makibahagi sa Salita ng Diyos. Ang gabay na ito ay mula sa Christian Standard Bible (CSB). Alamin ang iba pa sa CSBible.com.
More