21-Araw sa Mga Taga-EfesoHalimbawa
Mga Taga-Efeso 1:1-6
Pangunahing Talata: Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. —Mga Taga-Efeso 1:4 (RTPV05)
Makibahagi sa Salita ng Diyos:
(1) Hilingin sa Diyos na tulungan kang makaunawa, maniwala, at mabago habang binabasa mo ang Kanyang Salita.
(2) Ibuod ang taludtod sa isang parirala o pangungusap.
(3) Kopyahin ang pangunahing talata sa iyong talaarawan o kuwaderno.
(4)Isulat ang anumang kaisipan, impresyon o mga tanong na mayroon ka.
(5) Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paanong ang taludtod ay magagamit sa iyong buhay sa ngayon.
(6) Manalangin na bigyan ka ng pananampalataya na gawin ang anumang maaaring ipagawa ng Diyos sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang mga Taga-Efeso ay mayaman sa katotohanan patungkol sa Diyos at ang Kanyang gawaing pagliligtas sa atin. Ang gabay na ito ay dinisenyo upang matulungan kayo na maunawaang mabuti ang tekstong ito, habang mas natututo ng tungkol sa Diyos at sa iyong sarili. Ang anim na araw-araw na ritmong hakbangin ay makatutulong na ugaliing magbasa at makibahagi sa Salita ng Diyos. Ang gabay na ito ay mula sa Christian Standard Bible (CSB). Alamin ang iba pa sa CSBible.com.
More