Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting PamumunoHalimbawa

Six Steps To Your Best Leadership

ARAW 5 NG 7

Isang Relasyong Sisimulan

Sinimulan natin ang Gabay sa Bibliang ito sa pamamagitan ng pagpapasyang unahin ang sino bago ang gawa. Kung nais mong baguhin kung sino ka, kakailanganin mong baguhin kung sino ang mga kasama mo. 

Si Apostol Pablo, na siyang sumulat sa karamihan sa Bagong Tipan, ay nakaranas ng isa sa pinakamadramang pagbabago ng buhay sa Biblia. Ang pagbabago sa kanyang buhay ay napakamakasaysayan na maging ang pangalan niya ay pinalitan mula sa pagiging Saul sa pagiging Pablo. 

Kinamuhian ni Pablo ang mga Cristiano at gusto niyang mamatay ang mga ito. Minahal ni Pablo ang mga Cristiano sa nalalabing bahagi ng buhay niya. Kinasuklaman ni Saul ang mga tagasunod ni Jesus at siya ay naglakbay upang ang mga ito ay tugisin. Nakasalubong ni Pablo si Jesus sa daan at siya ay naglakbay upang Siya ay ipakilala. Gumugol ng panahon si Saul kasama ang mga relihiyosong tao upang gumawa para sa Diyos. Gumugol ng panahon si Pablo kasama ang mga taong lugmok at hinayaang gumawa ang Diyos kay Pablo.

Una, nakatagpo ni Pablo si Jesus na siyang nagpakita sa kanya ng liwanag. Pagkatapos ay nakatagpo niya si Ananias na tumulong sa kanya upang makatagpo ng bagong kalakasan at makakita nang mas maliwanag (literal). Pagkatapos ay nakatagpo niya si Barnabas, na nagtanggol kay Pablo at ipinakilala siya sa mga pangunahing pinuno ng Iglesia noong sila ay takot pa kay Pablo. Marami pang nakatala at sa ngayon, si Pablo ay maaaring isa sa pinakamabisang pinuno sa kasaysayan. 

Katulad ni Pablo, maaring isang ugnayan na lamang ang kulang upang mabago ang takbo ng iyong kapalaran. Sa paggugol mo ng panahon sa mga tao, huwag ka lamang tumugon sa mga taong humihingi nito. Magsimula ka rin ng panahon kasama ang mga taong bumabanat sa iyo, nagtutulak sa iyo, at maging ang mga taong lumilito sa iyo. 

Matuto ka kay Pablo at katagpuin ang isang taong pinupuna mo. Madalas nating hinuhusgahan ang hindi natin nauunawaan. Huwag ka lang makipagtagpo sa mga taong kasing-edad mo, na nasa kapareho mong larangan, o may kapareho mong karanasan. Ikaw ba ay nananatili sa isang lugar? Maghanap ng isang taong nauuna sa iyo ng ilang hakbang. Kung ikaw ay 30, makipagtagpo sa isang 40 taon ang gulang at tanungin sila kung paano silang nag-iba ng pag-iisip ngayon at noong sila ay 30 taong gulang. 

Maging handang makinig nang matagal, magtanong ng mahahalagang katanungan, at sundin ang magagandang halimbawa. Huwag lang gayahin ang ginagawa ng iba, kundi pag-aralan kung paano sila mag-isip. 

Sa katapusan, kung hindi ka pa nakapagsisimula ng isang relasyon kay Jesus, maaaring isang relasyon na lamang ang layo mo upang mabago ang takbo ng iyong kapalaran. Alam kong iyan ay naging totoo para sa akin. Ang pinakahuling sipi mula sa Banal na Kasulatan para sa araw na ito ay ang paglalarawan ni Apostol Pablo ng kung anong maaaring maging hitsura nito. 

Makipag-usap sa Diyos: Diyos ko, batid mo kung paano mo akong ginawa. Maaari bang tulungan mo akong makita kung sino ang kailangan kong makatagpo? Bigyan mo ako ng karunungan at kalakasan upang maipagpatuloy ang mga tamang relasyon.

Ipabatid sa amin kung magpapasya kang magsimula ng isang relasyon kay Jesus.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Six Steps To Your Best Leadership

Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, ang kalakasan ng loob upang huminto, isang taong pinalakas, isang sistemang nililikha, isang relasyong sisimulan, at ang pakikipagsapalarang kailangang harapin.

More

Nais naming pasalamatan si Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.craiggroeschel.com/