Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Anim na Hakbang Tungo sa Iyong Pinakamabuting PamumunoHalimbawa

Six Steps To Your Best Leadership

ARAW 3 NG 7

Isang Taong Binibigyan ng Kapangyarihan

Isa sa mga unang ginawa ni Jesus sa Kanyang tatlong taong pangmadlang ministeryo ay ang paghahanap ng mga taong bibigyan ng kapangyarihan. Nakatagpo Siya ng 12, ngunit hindi ka si Jesus, kaya maaari sigurong magsimula ka sa isa?

Kung hindi mo bibigyan ng kapangyarihan ang iba, narito ang isang pangako—magiging isa kang saklob sa trabahong ginagawa mo. Ang iyong trabaho ay hindi nagtatagumpay sa pamamagitan ng ginagawa mo; ang trabaho mo ay nagtatagumpay sa pamamagitan ng mga taong binibigyan mo ng kapangyarihan.

Kung si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay umasa sa mga tao upang matapos ang mga gawain, hindi natin kakayaning gumawa ng malaking bagay nang mag-isa. Magbuo ng mga tao at sama-sama kayong makapagbubuo ng isang dakilang bagay. 

Kahapon ay pinag-usapan natin ang tungkol sa pagkakaroon ng lakas ng loob na huminto. Maaaring kailanganin mo pa ngang itigil ang mahahalagang gawaing kinasisiyahan mo. Kung mayroon kang ulat, gawain, o paparating na proyekto, pag-aralan mong ipagawa ito sa iba. Kung may isang taong kayang gawin ang isang bagay ng may 50 porsiyentong galing na tulad ng sa iyo at may kakayahan siyang lumago, ipagkatiwala ito sa kanya at panoorin ang paglago nito. 

Ang unang malaking hakbang ni Jesus ay ang humanap ng mga taong maaaring bigyan ng kapangyarihan at ang huling pagkilos Niya dito sa mundo ay ang ipagkatiwala sa iba ang ilan sa pinakamahahalagang trabaho sa Kanyang mga alagad. Madalas nating tinatawag itong Ang Dakilang Atas, at noong huling sinuri ko ito, ito ay gumagana.

Anong maaari mong ibigay? Kanino mo ito ibibigay? Paano mo sila pauunlarin at sasanayin?

Kapag binibigyan mo ng kapangyarihan ang mga tamang tao, nakakaramdam sila ng kahalagahan, lumalago sila sa kanilang pamumuno, maaari kang magtuon ng panahon sa ibang bagay, at anumang pinamumunuan mo ay magiging mas malakas. 

Magkakaroon ka ng pamamahala sa iyong trabaho, o maaari kang lumago, ngunit hindi mo makukuha ang dalawa. Sino ang bibigyan mo ng kapangyarihan?

Makipag-usap sa Diyos: Diyos ko, salamat sa pagtitiwala Mo upang pamunuan ko ang ilan sa Iyong mga anak. Sino ang dapat kong bigyan ng kapangyarihan? Ano ang dapat kong ibigay na kapangyarihan sa kanila?

Tingnan ang kabanata 16 at 17 ng aking podcast para sa higit pa.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Six Steps To Your Best Leadership

Handa ka na bang lumago bilang isang pinuno? Binubuksan ni Craig Groeschel ang anim na mga hakbang na biblikal na maaaring gawin ng sinuman upang maging mas mabuting pinuno. Tuklasin ang disiplina upang makapagsimula, ang kalakasan ng loob upang huminto, isang taong pinalakas, isang sistemang nililikha, isang relasyong sisimulan, at ang pakikipagsapalarang kailangang harapin.

More

Nais naming pasalamatan si Craig Groeschel at ang Life.Church sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.craiggroeschel.com/