Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Live Without Fear (PH)Halimbawa

Live Without Fear (PH)

ARAW 5 NG 5

Know Whose You Are


Sa ating pag-tanggap kay Hesus, tayo ay nabigyan ng pagkakakilanlan at layunin. Tayo ay niligtas at tinawag ayon sa Kaniyang direksyon at misyon.
Ang tunay na pagkakakilala sa iyong sarili ay ang pagkakaroon ng kaalaman kung sino at kanino ka nabibilang. Tayo ay niligtas mula sa habang-buhay na pagkawalay sa Panginoon, at sinimula muli patungo sa walang-hanggang relasyon sa Kaniya. Tayo ay naging mga anak ng Diyos, na kanyang minamahal, kinagagalakan, pinatawad, inilaan sa katuwiran, at kasamang tagapg-mana ni Kristo.

Layunin natin bilang mga kasama na tagapag-mana ni Kristo ay samahan din siya sa pagdeklara ng Magandang Balita. Ang Magandang Balita ay ang lahat ay may kaligtasan kay Hesus na ating Diyos.

Mahirap ipakilala si Hesus sa mga taong nakapaligid sa atin kung tayo mismo ay hindi kilala kung sino Siya sa ating mga buhay. Sino ba si Hesus sa buhay mo? Kumusta ang relasyon mo sa Kaniya? Kilala mo ba ang sarili mo? At alam mo ba talaga kung kanino ka nabibilang?
Sa pag-bahagi ng iyong pananampalataya, bat di mo rin palalimin pa ang iyong pang-unawa sa iyong tunay na pagkaka-kilanlan?

Share a video, start a conversation with the yesHEis app. 

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Live Without Fear (PH)

Kung hindi ka napipigilan ng takot, ano kaya sa tingin mo ang itsura ng buhay mo ngayon? Gaano ka kalaki mangagarap? Magagawa mo na ba lahat ng nakasulat sa “bucket list” mo?? Nasubukan mo na bang mamuhay nang malaya sa chains ng FEAR? Kung mamumuhay tayo nang walang takot, masasaksihan nang marami ang kadakilaan ni Hesus sa atin.

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/